Lyrics: John Syrone Elesterio/Joshua Mari Miralles/Reymond Delacruz/Esmael Dalida/Remigio Prowel Jr. Music: BJ Prowel Lyrics: Napagod na ang puso ko na magmahal masasaktan lang naman ako Bakit ba kailangan pa sa maling tao mapunta ngayo'y takot na takot na akong umibig pa
Pait nang dinaranas ng tadhana sakin nang paglaruan, hindi nakikinig kaya nasasaktan ngayo'y natakot na muling iwan Ano mang kamalian aking nagawa mga pagkukulang na hindi ko maintindihan kung ano ang naging rason binigay ko naman lahat ngunit bakit ba gnun Sadyang ngang madaya hindi na'to tama, takot sa akin puso ngayo'y lumalala na, siguro ay di muli nakong iibig pa, dahil nga ako ngayon ay,
Takot nakong masaktan, paulit-ulit na lang ang nangyayari sa akin ba't ganito palagi ang tadhana bakit sa maling tao pa laging napupunta, sana di ko na lang pala nakilala sya, sana hindi ako ngayon nasasaktan
Kaya ayaw ko nang umibig, masasaktan aking damdamin ayoko ng masaktang muli, maghihintay na lang sa tamang panahon,baka sakali sakin na ituon ang pagkakataon, dahil hanggang ngayon nag-aalangan parin ang aking puso kaya't tama lang
Ilang beses pa ba ako masasaktan at maling tao ang makilala ngayon tuloy ay wala na akong ganang umibig pa sa iba. Ngayon ay natatakot na ang puso na laging talunan, pagod nang umasa na kahit minsan nang sana, merun taong handa kang ipagtanggol at handang sabihin sa akin na Di dapat ako mag-alala, basta ako ay laging nanjan sya, oohh ,oohh pero bakit kailangan pang mapunta sa maling tao na di naman dapat
Palagi na lang ako ganito hindi na ba gustong mapunta sa akin ang mundo,marahil siguro'y wag nang magpatuloy umibig pang muli ng di nila ako matukoy,
ng panahon na tila mapaglaro, ayokong maulit ang pagkakabigo, hindi na ,hindi na Hindi na, hindi ko na muling aasahan ang kasabihang marami pa daw iba, kaya pilit na nilalapit ang sarili ko sa kawalan at sinasanay ko na lamang magisa Di naman siguro yun masama kung ako'y kanilang papipiliin pa, di ko naman kailangan ng awa, para lamang magkaroon agad ng makakasama pa ang buhay ko tuloyan nawalan nang halaga Di ko na kasi malaman kong paano labanan ang di maintindihang kaba, kapag ramdam ko na, na unti- unti ka na sa akin nawawalan nang gana, pangako sayo hinding hindi na ako muli sayo pang mag-aalala pa.