Lyrics: Aristotle Pollisco Music: Aristotle Pollisco/Airon Paul Bayani/Mark Lawrence Ramos/Raymart Profugo Ako’y nalilito Naririnig mo ba Ang sarili kong Nagsasalita
Wala namang nag-uusap Pero bakit may bumubulong Wala namang nagtutulak Bakit umiikot ang gulong
Sa’n ba to papunta Sigurado ba ang ruta Gusto ko na kasing makalayo At makalabas sa kuta
Ayoko ng mapako sa tapos na Hindi ko hinayaan na malampa Lalo nung panahon na ako ay nabaon At wala rin nagtanong sakin ng kamusta
Alam ko sa sarili kong mahirap Hirangin na ginto o isang pilak Marami ang pintong di mahagilap Dahil ang susi ay pagsusumikap
Kinalagan ko ang sarili sa kadena Kinalumutan ko na muna mga nega Di na pwede tatamad tamad at satsat lamang ng satsat Walang mangyayari kung puro dakdak
Di ko ‘to ginagawa para sa pera Sapat na sakin na may makinig At maka-inspira sa pamamagitan ng aral Mula sa alalay ng hari
Ginawa ko lahat hanggang sa napakita Ko sa mga tao na hindi to madali Baka lang manalo ko sa mga talo Na pinagdaanan para lang kumita
Basta ginawa ko lang ang gusto Tignan mo naman kung san ako nakarating Dami kong sakit na mga nilampasan Bakit kamo? Para gumaling
Kahit pa na malaliman nagawa kong huminga Para ang kumita nawalan ng pahinga Baka marating din ang gustong marating Dumating ang mga pinadalang panalangin ko sa langit uh
Kung di pa dumating baka natraffic pa Madadapa ka talaga sa mga pagkakataong Hindi ka sigurado Kung sumabit ka o gumamit ka
Minsan kako parang May bumubulong sa hangin Na hindi ko maintindihan Ang sinasabi sakin
Oh ano ba talaga ko Katas ng nagawa ko Ang magpapakilala Kung sino ko bilang tao yeah
Ang mga luha pawis at dugo Kasama ng mga tulang binuo At ang mga mensaheng hindi mabukong Nakatago sa loob ng aking bungo
Kalakip ang panang gulo at pagkatao Iilan lang yan sa mga tinaya Ko sa laro na hindi mo makabisado Kung kelan ka dadampian ng panalo
Pintuang sarado na may matibay na kandado Ang tatambad sa harapan ng muka mo O nasan ang susi hinanap ang kaso Natagpuan ko ay barang malamaso
Kaya kahit na di pinahintulutan Binakbak walang hintuan Kalimutan kapalarang kapikunan kalingunan ko sa bintana Ay mga kabiguan at ang buwan na gusto kong bigwasan kapagkabilugan
Ginagawa ko to dahil sa gusto ko Di lang dahil uso ito ay sinasapuso ko Dugo ng makata dumadaloy dito sa pulso Ko kaya malalim pag tumarak mga pinupunto ko
Maging inspirasyon sa lahat ang pinaka gusto ko Katulad ng mga sinusundaan at iniidolo Tatatak sa bungo nyo ang iiwan kong liriko Di ako magreretiro dito ng wala kong titulo
Ako’y nalilito Naririnig mo ba Ang sarili kong Nagsasalita
Wala namang nag-uusap Pero bakit may bumubulong Wala namang nagtutulak Bakit umiikot ang gulong
Naririnig aking sarili Sayo na para bang kabiyak ng kabibe
Di na bale kung wala kang pera panalangin ang dala basta wag ka lang sumuko Pagkakamali ang makakapagturo Kung saan karanasan lang makakahalubilo mo Na pwede mong tawaging mga guro
Kapag nadapa natural lang masugatan talaga Na mayron tayong mabigat na mga laban Kung sakalaing harapin mo kapag nanalamin Sinasabi lang sayo kailangan mong magpagaling
Pano ko pa to matitigilan kung tagumpay na mismo Ang napili kong katitigan Mata sa mata nag uusap kame ng masinsinan Ako ang dyamanteng bagay sa kanyang pala singsingan
Madalas man kame mag ka iringan ng kagipitan Kalimitan mas pinipili ko paring masinpangan Ang pangarap na inaasam asam ng karamihan Sa huli pag ka wagi lang ang gusto makahalikan
Raragasa na merong tanging dala Baon sa bawat bakit nila Pain ko na sa mga pangmamata Kinagat nila dahil sa pananamantala
Pero di na ko dapat magalala Binagahe ko na ng di na makaisa Itinuring ko nalang na pagkadapa Alalang dala habang tumatanda
Hingang malalim pag nadapa Bangon at kunin ang napala Paulit ulit hanggang sa gumuhit Sa utak nila ang yong nagawa
Kung di tumama ge isa pa Kung di nakuha may iba pa Wag mo sukuan sagaran sukdulan Hanggang makapuga sa ibaba
Pa-unahan sa linya ng nakapila Para lang maipakita Sinagad ko hanggang sa huli na rima Na walang daplis sa kada tira
Sasalampakan hanggang tumama Bakasali na makatyamba Sinubukan at di ko inaakalang Susi ay kwarenta’y kwatrong bara
Dami kasing bagsak katawan Sa mga dumaang pagsubok Kaya dumating narin yung ilang gabi ko Na pagtikim walang usok
Tila binalik yung dati kong tutok Kahit nilamig hindi na nagkumot Kahit matahin men sulat ka parin Kasi alam mong binasa ka pag may lukot
Na balang araw ikekwento ko sa magiging anak ko at magigingapo Na hindi madali makipagsapalaran sa kapalaran depende sayo At hindi ubra kung palagi nalang iaasa sa dyos kung anonggusto mo Dapat kumilos yan ang totoo di lahat ay isusubo sayo