Lyrics: El Jhon Kenneth D. Gaon
Music: El Jhon Kenneth D. Gaon
EL CIDE (CHORUS)
Kahit maraming pagsubok ang nakakalunod
Patuloy mo lang na languyin
Di pa oras sumuko..sagad mo saz dulo
Patuloy mo lang yan na gawin
Kahit napakaraming hadlang at balakid
Sige palag ka lang laging kumapit
Sige lakarin mo lang ang daan kung saan mo naramdaman
Kung san mo nasimulan
EL CIDE (1ST VERSE)
Ano kamusta sagad kana ba
Naibaba mo na ba ang lahat pati panabla
Susuko ka nalang ba jan sa gitna
Tignan mo na yung iba
Yung sitwasyon mas malala pero palag palag pa
Sige lang magpahinga kung napapagod
Damahin mo nang lahat wag lang matakot
Lakbayin mo yung mga di mo maabot
Sa positibong enerhiya ka lang magpasakop
Tagpi tagpi man ang plano
Ang daming masasabi ng iba lalu kung bago
Ang daming mangyayari lalu kung tinatrabaho
Pilitin mong maklaro, kahit napakalabo
Sa silid ng nangangarap ay bilang lang ang may puso
Daming makikihatak jan at magpapakatudo
Patuloy na lumakad oo dahil walang dulo
Pag sarili ang nahanap yun ang makakapag turo
EL CIDE (CHORUS)
Kahit maraming pagsubok ang nakakalunod
Patuloy mo lang na languyin
Di pa oras sumuko..sagad mo saz dulo
Patuloy mo lang yan na gawin.....
Kahit napakaraming hadlang at balakid
Sige palag ka lang laging kumapit
Sige lakarin mo lang ang daan kung saan mo naramdaman
Kung san mo nasimulan
EL CIDE (2ND VERSE)
Tuloy mo lang ang mga nasimulan
Kung may pag ibig ay wala ka nang ibang dahilan
Gawin mo lang kung sa tingin mo jan mo naramdaman
Di namalayan kung saan ka nga ba dadalhin nyan
Maiksi lang ang buhay, tipirin mo sa lungkot
Umalis ka sa silid kung saan ka palaging lugmok
Tumingin sa paligid baka nasa maling bilog
Baka magkaiba yung bunganna gustong mapahinog
Sige abante lang patuloy mong itulak
Lahat ng yan dalhin mo sa di mo masukat
Hanggang sarili mo narin ang ginugulat
Kung saan nakarating at kung saan ka ba nagbuhat
Kahit malayu layu pa ang lalakbayin
Kung may pag ibig ay masaya mong aantayin
Kahit malayu layu pa ang lalakbayin
Dibale masaya naman ang biyahe ko na gagawin
EL CIDE (CHORUS)
Kahit maraming pagsubok ang nakakalunod
Patuloy mo lang na languyin
Di pa oras sumuko..sagad mo saz dulo
Patuloy mo lang yan na gawin.....
Kahit napakaraming hadlang at balakid
Sige palag ka lang laging kumapit
Sige lakarin mo lang ang daan kung saan mo naramdaman
Kung san mo nasimulan