Babalik Ka Pa Kaya

Lyrics: Jam Capistrano Music: Jam Capistrano Limang taon mula nang tayo'y magkahiwalay
Magpasyang lumisan
Nguni't bakit hanggang ngayon
Ikaw pa rin ang hinahanap ng puso at damdaming umiiyak at tinatanong
Babalik ka pa kaya sa buhay kong ito
At muling buhayin ang puso kong ito
Ikaw lang ang minahal
Nalaman kong may iba ka nang hinahalikan at niyayakap
Ngunit bakit hanggang ngayon
Ginagamot ang sugat ng puso at damdaming umiiyak at tinatanong
Babalik ka pa kaya sa buhay kong ito
Ikaw lang ang minahal
Hanggang saan
Hanggang kailan
Maghihintay ako sayo..
Babalik ka pa ka kaya sa buhay kong ito
At muling buhayin ang puso kong ito
Babalik ka pa ka kaya sa buhay kong ito
At muling buhayin ang puso kong ito
Ikaw lang ang minahal
Ikaw lang minahal
Babalik ka pa kaya