Lyrics: Paulo Manlod
Music: Paulo Manlod
isip ng isip kung ano mangyayare bukas.
gutom hirap walang pera nag hahanap ng lunas.
paligid ang motibasyon nag bibigay pag usad.
wag tumingin saking emahe kundi saking sulat.
magulo na pwesto guhit hanggang sa mapuyat.
pag pupursige ko siguradong may magugulat.
hindi alintana ang pagod kamay di maunat.
sugal sa larangan salamat meron din namulat.
anlayo daw ng sulat ko dati kesa ngayon.
expirementong walang humpay labas sa kahon.
animoy manlalakbay sabay sa panahon.
ang rap di lang pabilisan sa laman dapat ituon.
marami pang magagaling dapat ko pa daw galingan.
eni-enjoy ko lang lahat at akin pang inaningan.
sa mali ko nag bantay salamat at nag silbi yan.
hindi dapat lahat samahan alam mo ang tatanggihan.
koro:
Ako laban kay ako utak d ma bibigo.
kaalaman pinalago mga nega pinalayo.
sarili ko binubuo sa pasakit rin nakipag buno.
kasiyahan pinupuno ang panaginip tinotoo.
Ako laban kay ako utak d ma bibigo.
kaalaman pinalago mga nega pinalayo.
sarili ko binubuo sa pasakit rin nakipag buno.
kasiyahan pinupuno ang panaginip tinotoo.
Verso:
Kung baliw ka ng tawagin tama ang iyong landas.
ano ba ang normal sayo yung merong ugaling pang ahas.
eka nila sila ay matalino pero mapanira ng landas.
mga damit na walang mantsa at karunungan na lumalagpas.
nakaka sawa lagi ka ng bitag sa mabulaklak na salita.
kasanayang lagi kumakagat kala mo totoo ang katapat.
tumingin sa mga mata nila baka ikaw na ang biktima.
naka ngiti lang sila sa harap at sanay sila na mag panggap.
ganon pa man laban to ng sarili ko at hindi maging apektado.
mga gera ko sa utak pinanatili kong kalmado.
maliit nalang ang bilog na nilalapitan at ginawa ko.
alam mo naman ang tigre matagal bago mapa amo.
sagradong enerhiya nilapat ito sa tula ko.
ilang taon din sa pipa iwas sa kupal na tao.
imbis na patulan ay ginawang palaman ko nalang sa konteksto.
eritable sa feelings nag tago pag usapang totoo nag lalaho.
koro:
Ako laban kay ako utak d ma bibigo.
kaalaman pinalago mga nega pinalayo.
sarili ko binubuo sa pasakit rin nakipag buno.
kasiyahan pinupuno ang panaginip tinotoo.
Ako laban kay ako utak d ma bibigo.
kaalaman pinalago mga nega pinalayo.
sarili ko binubuo sa pasakit rin nakipag buno.
kasiyahan pinupuno ang panaginip tinotoo.