Lyrics: Kent Charcos
Music: Kent Charcos
SAMU’T SARING IISA
Hinati sa tatlong dako
Binubuo ng mahigit pitong libong pulo.
yan ang bayan ko.
Kayumanggi ang kulay namin
likas na masayahin at san makarating,kapansin -pansin ang galing
Ngunit kahit may samu't saring sari sariling pinaniniwalaan.
Ngunit kahit may samu't saring sari linguaheng hindi ko na naiintindihan. Tayo ay iisa sa puso't diwa,hinding hindi magigiba.
Taas nu-o kahit kanino ang lahi ko ay Pilipino.
Halina't kilalanin ang
Lahing di pa aapi nino man.
Binabagyo man lagi, magsisimulang muli.
Kay sayang isipin na,patungo tayo sa kaunlaran. Kahit samu't sari ay mananatiling iisa.
Ang pusong Pinoy ay matibay
walang ibang nais kundi ay ang magtagumpay sa patintero ng Buhay. Ngunit kahit may samu't saring sari sariling pinaniniwalaan.
Ngunit kahit may samu't saring nauusong ating kinahihiligan.
Tayo ay iisa sa puso't diwa hinding hindi magigiba
Taas nu-o kahit kanino , ang lahi ko ay Pilipino.
Ngunit kahit may samu't saring sari sariling pinaniniwalaan,
Ngunit kahit may samu't saring hidwaan kailan pa kaya matutuldukan. Tayo ay iisa sa puso't diwa hinding hindi magigiba.
Taas nu-o kahit kanino ang lahi ko ay Pilipino.