Lyrics: Lester Paul Vano
Music: Lester Paul Vano
Habang tumatagal ay mas inaalam para san ko to ginagawa nung simula pa lang
Musika man ang naging bibig na ng isipan ko, may mga nagdaang rason paden para tigilan to
Alam ko ng,dito na ko dadating nung una pa sa kung papano gustuhin to kumbaga
kulang nalang sabihan ng mahal kita papunta na
Mikroponong tumatalon,,huli na ng sumampa kulang ba?
Pano mabuhayan naghanap ng magdududa kahit di na pinupulot pag basura na
Sumulat ang sagot ko sumaya ng walang pinaatunayan sa iba kung sa sarili pwede pa kahit agaran ugh
magkaron ng ikalawa na pangalan pa sa entablado ay hindi na inasahan, kung nilagay ako dito kapalaran na may kasalanan naturalang dinala ng hangin sa gustong tapakan'g tugatog gamit ang paang pinatid ng marami
naging mapag isa nung mag iba ng klase
kada araw na may pasakit sayang kasale
may sulatan at tintang sumalamin saking imahe.
Dibaleng tawanan kahit abutin ka ng umaga, ito ako buo may perang babangon sa kama lango sa kakalaro ng bara,,iwan mo man'g kalbo yung sagada di mo to kaya. Mangarap na parang, umpisa't huli palagi paalala sa sarili pag wala ng gana harapin ang bukas kada tutok sa mabahong nakaraan, Sarili ang kalaban'g di mo kayang nasasaktan
Isipan na kung di man kontrolado kalaban yan
natuto sa karanasang wala ko mapaglagyan
di kana dapat kabahan,,walang halong drama to binigyang kahulagan ko lang pagbangon sa kama ko
Sa dami ng nilampasang araw na dinadaing ay mas naging kapana panabik saken yung panibagong darating,,Madaming man'g pasyente jan mag magaling nasa salamin ang templo ng dapat ko sambahin!
Ilang ulit sinubukan ng buhay kung kaya pa
gusto nila ko magdrama tinawa ko lang kahit dagdag ngawit sa panga maging saya ko lang yung galit mo baka sakaling kapayapaan naman yung topic
Gusto lang din naman makagawa ng classic kung saan saan pa dinala ng awit, tulala sa trapik, dagit magdalena't maria clarang nakatalik byaheng langit ba tong musika deende sa pag gamit kakaadik na, kayahuminga muna sandali.
Bago mo ko tuldukan gawin mo yung minamani ko lang sa madaling salita sulat ng pang gulat na pangmulat pa mag gulay ka ganyan maligaw sa gubat pa Cavite!
Samen walang libre, katuparan ay binabayaran ng pagsisikap maige. Kung alam mo lang pinagdaan ko di mo ko masisisi na sa gantong sapatos manatali hiphop!!