Lyrics: Jeremy Breen Music: Jeremy Breen Oh, kay lamig ng paligid ngayong wala ka na Wala na nga ba akong pag-asa, ako pa ba ay liligaya Hindi naman ito ang pinangako mo Sinabi mo na magiging tayo Ngunit sa’n na napunta, nagtungo sa wala Ako ay pinaasa mo Bakit sa akin ay nagawa ito
Akala ko ika’y mapasa’kin Bigla na lang nawala, lumipat na sa iba Agad na lang ikaw ay lumisan Pinagsamahan natin ay nabalewala Mga pangako mo ay sinira mo Sinayang mo lang ang pag-ibig ko sa ‘yo Ang panalangin na lang ay maging masaya kayo
‘Di ka ba nakokonsensya sa iyong nagawa Siguro nga nasa akin, nasa akin ang problema ‘Di ba ikaw na rin ang nagsabi na ika'y mananatili Ngunit ngayon saan na nagpunta, nagtungo sa wala Ako ay pinaasa mo Bakit sa akin ay nagawa ito
Akala ko ika’y mapasa’kin Bigla na lang nawala, lumipat na sa iba Agad na lang ikaw ay lumisan Pinagsamahan natin ay nabalewala Mga pangako mo ay sinira mo Sinayang mo lang ang pag-ibig ko
Ako ay pinaasa mo Bakit sa akin ay nagawa ito
Akala ko ika'y mapasa’kin Bigla na lang nawala, lumipat na sa iba Agad na lang ikaw ay lumisan Pinagsamahan natin ay nabalewala
Akala ko ika'y mapasa’kin Bigla na lang nawala, lumipat na sa iba Agad na lang ikaw ay lumisan Pinagsamahan natin ay nabalewala Mga pangako mo ay sinira mo Sinayang mo lang ang pag-ibig ko sa ‘yo Ang panalangin na lang ay maging masaya kayo