Lyrics: Ogie Alcasid
Music: Ogie Alcasid
Bakit ba may lungkot sa ‘yong mga mata
Ako kaya'y ‘di nais makapiling sinta
‘Di mo ba pansin ako sa ‘yo'y may pagtingin
Sana ang tinig ko'y iyong dinggin
Ako ngayo'y ‘di mapalagay
‘Pagkat ang puso ko'y nalulumbay
Sana ay pakaingatan mo ito
At tandaan mo ang isang pangako
Pangako hindi kita iiwan
Pangako ‘di ko pababayaan
Pangako hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Ano itong nadarama ko
Ako kaya'y nahuhulog umiibig na sa ‘yo
Sa tuwing kasama ka'y anong ligaya
Sana sa akin ay magtiwala
Kung tunay man ang nadarama mo
Mayro’n akong nais malaman mo
Ang aking puso ay iyong-iyo
‘Wag sanang lumimot sa pangako
Pangako hindi kita iiwan
Pangako ‘di ko pababayaan
Pangako hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Aking pangako
Ohh…
Pangako hindi kita iiwan
Pangako ‘di ko pababayaan
Pangako hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Ang magkasama
Pangako...