Lyrics: Franz Chua/Sam Cafranca
Music: Franz Chua/Sam Cafranca
Yah! Sikretong malupet
Lahat ay makinig
Sa sikretong malupet
Malupet, malupet na malupet
Sikretong malupet, lahat ay makinig
Sikretong malupet, lahat manginginig
Sikretong malupet, lahat magigising
Sikretong malupet, malupet, malupet na malupet
Hindi ko alam kung bakit naniwala
Pira-pirasong mensahe, sabi ko na nga ba
Lagi na lang ba kaming mamamaling akala
'Di mo ba naisip na ikaw ay halata na?
'Di inakala, biro mo, kayo pala'y sutil at buwaya, pwe!
'La namang mahirap sa pag-intindi
Lahat ng pinaghirapan, nawalan ng silbi, leche!
Walang hiya, nakinabang
"Inosente" daw, 'yan si timang
Sumwapang at yumabang
'Yun pala, ako ang dahilan
'Wag na 'wag mag-alala
Makikilala rin nila
Sino bang tunay na may sala?
Siya angat, siya ang sumasaya
Kayong lahat, may sasabihin ako
Mawalang-galang, mahiya na kayo
Bato-bato sa langit, ang tamaan, magalit
Mabubunyag din ang mga baho mo
Sikretong malupet, lahat ay makinig
Sikretong malupet, lahat manginginig
Sikretong malupet, lahat magigising
Sikretong malupet, malupet, malupet na malupet
Talamak na gahaman
Huling-huli na, nagmamaang-maangan pa
Puro na lang kasinungalingan
Kahit na tanungin, makapal ang mukha
Pero bakit ba gano'n?
'Di naman ako nagkulang sa gawaing mabilis
Bakit ba ako pa rin ang nakikitang salarin?
'Wag kayo magmalinis
Pag ako nagsalita
Hindi mo 'to matitiis sa bilis
Mga balahurang pet
Akala talaga sila ang inapi
Napakalupit magsabi na hindi humirit
Bilyones na paulit-ulit
'Lang nakaalam, 'di ko na inalam
Kasi baka mamaya, ako naman sumabit
'Lang pakialam kahit mahirapan
Eto ako ngayon, sa patalim kumapit, bwisit!
Kayong lahat, may sasabihin ako
Mawalang-galang, mahiya na kayo
Bato-bato sa langit, ang tamaan, magalit
Mabubunyag din ang mga baho mo
Sikretong malupet, lahat ay makinig
Sikretong malupet, lahat manginginig
Sikretong malupet, lahat magigising
Sikretong malupet, malupet, malupet na malupet