Simula Ng Buhay

Lyrics: Benito "Ben" Escasa/Alma "Deng" Escasa Music: Benito "Ben" Escasa/Alma "Deng" Escasa I Ooohh… Ooooh… Kay tagal ko pa bang maghihintay sayo Narito at nasasabik ako Ibibigay lahat ng maibigan mo Sumama kana sa’kin at ako’y iyo Kay bilis mo namang mangako ng bukas Kahit na, ang pag ibig mo’y wagas Maraming pagsubok at bago ang landas ‘Di lamang pag ibig mo ang kailangan lakas Chorus: Ikaw ang simula ng buhay ko, Alalahanin mo Ang bukas na kay ganda, Nakasandal sa’ting dalawa Ikaw ang simula ng buhay ko, Ang bukas ng mundo Ikaw at ako’y simula ng buhay II Ooohh… Ooooh… Kung kailangan naman ng pagsisikap ko, Malakas at matibay ang buto Init ng yakap ko, ang sisilungan mo Palaging mabubusog, sa akin pagsuyo Hmmm…. Madalas mga bata ang nalilligaw Kung kalinga’y hindi natatanaw Alaga’t panahon sa puso’y may tanong Ang tanging magbubuo ng pagkatao (Repeat Chorus) Bridge: Karugtong ng buhay ko Lalaking tapat at makatao Isang sanggol, pag-asa ng mundo (Repeat Chorus) Ikaw at ako’y, Simula….. ng…. bu-haaaay…..