Lyrics: Edwin Boriz Galang Music: Edwin Boriz Galang Akala ko sa teleserye lang nangyayari Ang sobrang sakit na dulot ng pag-ibig Ang akala ko’y ‘di gano’n ka-grabe At walang gano’n sa buong daigdig Ang sabi ko pang-drama lang ‘yan Upang gumanda at aabangan
Masyadong mababaw ang tingin Mga palabas nila sa TV Kahit anong gawin mo sa ‘kin ‘Di ako manonood ng movie Mga love romance na baduy Kapag nasaktan daw tuloy-tuloy Aktor na nadehado at sa galit nag-aapoy Tawa nga ako nang tawa over acting ang eksena Ba’t ‘di ko man lang napuna na oras na pala Unti-unti nang lumuha ang aking mga mata Nasasaktan ako ngayon ito na ba ang aking karma
Pero ngayon heto ako nakakulong sa aking imahinasyon Ng puso ko sa ngalan ng pag-ibig
Wala naman akong ibig sabihin no’n Bigyan niya sana ng isa pang pagkakataon Sana nama’y huwag niyang ipagkait Pagsasama’y muling ibabangon Ang sabi ko pang-drama lang ‘yan Upang gumanda at aabangan
Tinanggap ko naman lahat Ang pagluha ba’y ‘di sapat Sabihin mo lamang sa ‘kin kung ano nga bang nararapat At kung ‘yon ang kagustuhan buong pusong gagawin Basta ibalik mo lang sa ‘kin ‘yong ginintuang pagtingin ‘Di kita sinusukuan ‘di ba At alam mo ‘yan Pangako kong binibitawan sa ano mang oras ipaglalaban Dadalhin kita sa altar kahit man saan lugar Ang pag-ibig ko’y nagniningning na para bang stellar
Pero ngayon heto ako nakakulong sa aking imahinasyon Ng puso ko sa ngalan ng pag-ibig Pero ngayon heto ako nakakulong sa aking imahinasyon Ng puso ko sa ngalan ng pag-ibig
Ilang beses akong lumuha ‘di makakilos at ‘di makakain Walang patutunguhan ‘di alam ang gagawin Laging nakabantay sa cellphone inaantay ang ‘yong sagot At ang status ko sa Facebook puro lamang hugot Nag-aantay ng mensahe Buong araw at gabi Baka umiyak pa ‘ko nang matindi Mukhang manonood pa ng movie Napa-praning ako sa tuwing naririnig kong aking ringtone Bwiset network provider
Please lang leave me alone Please lang leave me alone Please lang leave me alone Please lang leave me alone Please lang leave me alone Please lang leave me alone Please lang leave me alone Please lang leave me alone Please lang leave me alone
Akala ko sa teleserye lang nangyayari Ang sobrang sakit na dulot ng pag-ibig Ang akala ko ‘di gano’n ka-grabe At walang gano’n sa buong daigdig