Lyrics: Jimmen Howard Alda Catap Music: David Raphael Daliva Tignan mo maigi kung pano ko pinagana Dami dyang umasa na ito'y mawawala pa kapain mo ang bulsa ngayon namamaga na ganyan gumalaw di kailangang mangapa pa Tignan mo nalang, tignan mo nalang Tignan mo maigi kung pano 'ko kuminang
Tignan mo maigi pano kuminang Mga tunay sa paligid sigurado na bilang Di nila kayang agawin kaya sila nailang At Umaastang may tira yung mga taong timang Kinsenas katapusan pera lang ang hahabulin Shift sa segunda takbo natin ay matulin Sipag at diskarte lang ang dapat paghaluin Dragon kung bumuga kaya di dapat subukin
Natuto na bumangon na ako lang mag isa Buhay ay nagbago pero 'di to nagiba Mas nagpursigi pa lalo sa pang mamata nila Kaya tignan mo ako na umabante pa diba
Tignan mo maigi kung pano ko pinagana Dami dyang umasa na ito'y mawawala pa kapain mo ang bulsa ngayon namamaga na ganyan gumalaw di kailangang mangapa pa Tignan mo nalang, tignan mo nalang Tignan mo maigi kung pano 'ko kuminang
Di na, di na, di na pwede pang mabasag Sanay to sa wala kahit walang banig na latag Pumipera na yung batang sinabihan na makupad Papunta narin sa top kaya tuloy tuloy ang sipag
Makukuha mo narin kung ano ang pinaghirapan Deretso lang ang lakad wag mo lamang susukuan Laging kaya ang sagot kahit ang hirap ay sukdulan Pag naramdaman ang pagod pahinga lang sa upuan