Lyrics: Jody Salas
Music: Jody Salas
Laging nagtatanong kung bakit ka nagkaganyan
Di makuntento't parang walang paglalagyan
Sa mundong mapaglaro at mapanlinlang
Ako namaý walang ibang hiling
Kundi ang kita ay makapiling
Sa bawat oras tayoý magkayakap
Ngunit itong lahat ay isang pangarap...
Hindi ko binalak na mapasa-akin ka
Hindi ko pinilit na mapaligaya ka
Ang sa akin lang naman ay maging malaya ka
Sa pag ibig kong pumipigil sa mga pangarap mo
Lumipas ang ilang taon na tayoý nagsasama
Kay rami ng sarap, kay rami ng hirap
Kay rami ng problemang kinaharap
Pilitin mang sikapin walang magagawa
Ang pag-ibig natin tuluyang nawala
Hindi ko binalak na mapasa-akin ka
Hindi ko pinilit na mapaligaya ka
Ang sa akin lang naman ay maging malaya ka
Sa pag ibig kong pumipigil at pumapatay sayo
Ang dami-raming sinasabi ngunit ganun pa rin parati
Ang dami-raming binabalak ngunit lunod naman sa alak
Ang dami-raming pinaplano pero wala pa ring nagbagyo
Ang dami-raming ninanais mo...