Lyrics: Trina Belamide Music: Trina Belamide Sa kadilimang tila walang hanggan Ang kabutihan ay liwanag sa daan Sa kabila ng sariling pangangamba Sa kapwa natin ay nag-aalala
Tila napabayaan na’t walang magliligtas Subali’t nasa atin ang tunay na lakas
Taumbayan to the rescue Bayanihan power – ito ang paraan Taumbayan to the rescue Bagong pag-asa ng ating bayan Bagong pag-asa ng ating bayan
Mga pagkakaiba’y isinasantabi Pagka’t isa lamang ang nais natin Ating pagiging likas na matulungin Ang siyang sa atin ay laging nananaig