Bagong Pagasa

Lyrics: Carlos P. Espinoza Jr. Music: Carlos P. Espinoza Jr. Sa pagbangon natin ngayon umaga Sinag ng araw ay napakaganda Nagbibigay liwanaga at sigla Sa ‘ting puso’t isip na nagkakaisa
Heto na ang tamang panahon Para harapin ang hamon Sa atin ngayon
Tayo na’t magsama-sama Halina’t magkaisa Tanggalin sa puso an gating Pangangamba
Tayo na mga kasama Halina’t magkaisa Itayo natin ngayon ang bagong pag-asa
Mahirap man ating tatahakin Pilit natin itong kakayanin Dahil mabuti ang ating hangarin Ang pangarap na tagumpay, maabot natin
Heto na ang tamang panahon Para harapin ang hamon Sa atin ngayon
Tayo na’t magsama-sama Halina’t magkaisa Tanggalin sa puso an gating Pangangamba
Tayo na mga kasama Halina’t magkaisa Itayo natin ngayon ang bagong pag-asa
Tayo ay pinoy sa puso’t isipan Di paaapi at bansa ay ipaglalaban Sa sino mang mananakop at sisira sa bayan Sigaw natiý katarungan, kabutihan at kalayaan
Halina’t ibalik integridad at dignidad Magalang, mabuti at matuwid ang hangad Tayo na at kumilos para buhay ay maayos Manalig sa Diyos at magmahal ng lubos