Kelan (feat. Josue)

Lyrics: John Paulo Nase/Joshua Daniel Nase Music: John Paulo Nase/Joshua Daniel Nase Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh Kailan ba ako magiging payapa? (Kailan?) 'Di na nga yata Ako ang taya simula pagkabata Habulan sa utak ko na mahilig gumala Kahapon ay hindi na lumipas, 'di ko rin alam kung meron pang bukas Pilit na nangangapa sa laman ngang wala naman ang lunas Naging matalik na kaibigan ng dilim, liwanag ang kaniyang lihim Sinubukang alamin saloobin, tumingin sa salamin Ngayon ano'ng aking gagawin? Ito ay kapit sa patalim Paano mo haharapin ang takot mo kung pagtingin sa salamin, nakangiti ka pa rin? 'Di mo na kailangan na magkunyaring iba Alam naman natin na mas komportable ka Sawa lang sa nawalang dismaya, makatotohanan lang walang iba Buksan mo ang iyong isipan, bakit 'di rin gawing kalawakan Ang katotohanan? 'Yun ang hahawakan, tuparin ang napanaginipan That's right, play hanggang sa dulo, uh, mayday panay peligro But someday maitotono ko rin ang buhay ko na 'di sintunado, say Kailan ba tunay na sasaya? Maging malaya sa takot at pangamba Oh, no, yeah, yeah (Yah) Dami nang pinagdaanan Na 'di ko inaasahan na malalagpasan Oh, no, yeah, yeah (Ayy, ayy) Ipipikit ko ang aking mata At mananalangin sa mahabaging Ama Oh, no, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?) Kailan ba tunay na sasaya? Maging malaya sa takot at pangamba Oh, no, yeah, yeah, yeah, yeah Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh Ako'y nagising na sa malalim na pagtulog Teka lang, ba't para 'tong bangungot? 'Di ko magalaw ang aking tuhod Bukod pa do'n, 'di ako makahugot ng hininga At parang nalulunod, ang pakiramdam ko ay nalulumo Bawat sigaw ay para lang bumubulong Tila ba walang makarinig sa aking mga ungol Hindi ako marunong humingi ng tulong Ako lang ang guro sa bawat pagsubok Kahit na lumulubog, kahit nalulugmok Sugod nang sugod kahit hindi matumbok Ang puno at dulo ng aking mga gusto Lahat ng ito'y 'di magkakatuldok Hiling ng tadhana man ako'y mabugbog Hahabulin ang pangarap kahit pa malumpo Tinalaban nasasalamin, kinatakan ang mga kawain 'Lam naman natin na Siyang salarin sa lahat ng naging pangyayari sa'min Sa kabila ng lahat ng aking inakala't pagsisisi Siya lang rin pala ang sasagip at tanging kakampi At pagkalabog ng beat, mga mata'y namulat sa pagkapikit Unti-unting gumagalaw ang mga binti, 'di ko na pinansin ang aking paghikbi Kailan ba makakatakas dito sa kulungan? Ginawa sa'kin ng unang takot na naging puhunan Na nangakong kalungkutan, minsan na napalibutan Diyos ko po pakitulungan, gusto lang makalimutan ang nakaraan Kailan ba tunay na sasaya? Maging malaya sa takot at pangamba Oh, no, yeah, yeah Dami nang pinagdaanan Na 'di ko inaasahan na malalagpasan Oh, no, yeah, yeah (Yeah, ayy) Ipipikit ko ang aking mata At mananalangin sa mahabaging Ama Oh, no, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?) Kailan ba tunay na sasaya? Maging malaya sa takot at pangamba Oh, no, yeah, yeah, yeah, yeah (Yeah) Kailan ba ako tunay na sasaya? Tuluyan nang nawawala ang aking pag-asa Ipipikit ko ang aking mga mata Mahabaging Ama, kailan ba? Oh, kailan ba? Kailan ba? Kailan ba? Kailan? Kailan ba tunay na sasaya? (Yah)(Kailan ba sasaya?) Maging malaya sa takot at pangamba Oh, no, yeah, yeah Dami nang pinagdaanan (Daming pinagdaanan) Na 'di ko inaasahan na malalagpasan Oh, no, yeah, yeah (Ayy, ayy) Ipipikit ko ang aking mata At mananalangin sa mahabaging Ama (Mahabaging Ama) Oh, no, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?) Kailan ba tunay na sasaya? (Kailan ba sasaya?) Maging malaya sa takot at pangamba Oh, no, yeah, yeah, yeah, yeah