Lyrics: Melvin Francisco Santos/Daryl Ruiz Music: Melvin Francisco Santos/Daryl Ruiz D'yan ka lang, 'wag ka nang mawawala Baka lang magkandaletse-letse mga plano Pababa na ako sa eroplano Pahinga lang ta's balik trabaho na ulit 'Di problema kung magkanda pagod Basta nand'yan ka pa rin sa'kin pag-uwi 'Di patas 'yung mundo (Kaya minsan naiisip kung ano-ano) Pero 'pag ikaw ay kasundo (Dito sa paligid may mga paruparo) Kaya kahit na patong-patong, 'yung mga problema ay kayang-kaya Ako't ika'y tamang-tama sa isa't isa (Ah-ah) Lagi lang matibay at maangas, 'yokong malungkot, gusto ko payapa Ang utak kahit 'di naman, pero 'di mo makikita 'yan Kasi bakit pa kailangan, gusto ko 'pag kasama mo 'ko wala kang alinlangan Dahil lumalayo 'pag 'di na kaya, sana mapatawad Palabiro pero minsan sarili 'di mapatawa, do'n ako natatanga pero Kung sakali bang mawala Pagbalik ay tatanggapin mo pa ba? 'Pag nakita mo akong mahina Mamahalin mo pa ba? Mamahalin mo pa ba? Mamahalin mo pa ba? 'Yun lang ang tanong, pa'no kung maglayo? O kaya magtampo panahon para sa isa't isa? Magahol kung ako tutuban, walang imposible basta lagi kita katanaw Pero ayaw ko 'pag grabe 'yung pagitan Kung alam mo lang sa pakiramdam ko ay mahirap 'yon Lalo na kapag tayo ay may alitan, kinakabahan kasi baka 'di na kita makita Kung sakaling mapundi na sa'kin, papaano kita hahanapin? Pa'no kung magsulubong 'yung galit? Tao lang din ako na merong damdamin 'Di tayo sigurado sa mangyayari, pero meron pwedeng matiyak Sumuko sa bigat, tutulungan magbuhat Hanggang saan natin kayang paninindigan 'yung salitang pagmamahal, at Kung sakali bang mawala Pagbalik ay tatanggapin mo pa ba? 'Pag nakita mo akong mahina Mamahalin mo pa ba? Kaya 'wag ka sanang magsinungaling Kung ano mang pagsubok sa'tin ang dumating 'Di ka ba aalis? 'Di ka ba aalis? (Yeah) 'Di ka ba aalis 'pag kalaban ko na ang lahat? Kung sakali bang mawala Pagbalik ay tatanggapin mo pa ba? (Ako pa rin ba'y tatanggapin mo?) 'Pag nakita mo akong mahina Mamahalin mo pa ba? (Sana, sana, sana) Mamahalin mo pa ba? (Hey) Mamahalin mo pa ba? (Mamahalin mo pa ba?)