Lyrics: Rolando Tinio
Music: Josefino Chino Toledo
Alitaptap
Alitaptap
Alitaptap
Kayraming maaaring ayunan
Ng malawak na pananaw
Agawan ang langit at lupa
Sa kislap ng bulalakaw
Nagsisiksikan ang mga agham
Sa pasilyo ng gunita
Malalansag bungo at isipan
Sa damba ng sapantaha
Ibig ko nang makalaya.
Katalinuhan ay parang rosas
Na gumigipit sa mga kamay
Ibig ko nang masaklaw at madakma
Ang hanging hitik sa alitaptap
Na may kipkip na hiwaga.
Alitaptap
Alitaptap
Alitaptap
Ang Alitaptap