Lyrics: Aurelius Galman
Music: Aurelius Galman
VERSE 1:
Eto na naman ako
Kumusta na kayo?
Wala naman nagbago
Masaya padin ako
Ginagawa ko lang mga dapat ko na gawin
Pinapausbong ko ang dapat kong pausbongin
Laid back chillin lang
Ang dami na nangyari
Mga tao sa paligid daming sinasabi
Ano ang gagawin?
Dapat ba na pansinin?
Ang sagot diyan ay hindi!
Alam kong alam mo na din
Sipagan at kilusan dapat mo na sagarin
May mga bagay na dapat di mo hadaliin
Kuhanin ang patpat ang mangga mo ay sungkitin
Lagyan mo pa ng asin ang alat ay balansihin
Parang buhay lang kaylangan lang pag tugmain
Nilakad ang dilim saan nga ba ko dadalhin?
Dala aking pangarap sa liwanag bitbitin
Pare sa isang pangarap, jan ako bitin!
CHORUS:
Take it slow
Vibe with me
Laid back chillin’
And repeat
VERSE 2:
Smokin’ some peace I’ve been feelin’ alright!
Jammin' the music I’ve been feelin’ the vibe!
Bouncin’ alone happy coz I’m alive!
Ano pa nga ba ang aking hihilingin?
Pag patak ng ulan gusto kong damahin
Salamat sa tropa na nandyan pa din
Kahit anong mangyari aking lilingunin
Ganun padin~
Hindi makakalimot kahit dami kong naikot
Hinanap ang sarili aking mundo ay nilibot
“Saan ba ko lulugar?”
Noon sakin ay sampal
Yan ang tanong sa utak ko noon di ko na alam
Nagtataka ako bakit ba ang dami kong pasan
Yun pala kasi nga tinadhana kong gawin
Sasabihin kung ano ang dapat nila na sundin
Hindi naman masama ang aking ginagawa
Gusto ko lang naman yung makakabuti sa madla
CHORUS:
Take it slow
Vibe with me
Laid back chillin’