Sayong Mundo

Lyrics: Regie Valdez Music: Regie Valdez/Elvin Santos Napaka gulo na ng mundo hindi nya na alam ang gusto Yung dapat na panahon sa naka takdang araw hindi na magkasundo..
Yung taglamig naging maalinsangan Tag init, pero ang ulap nag aalinlangan. Hindi na kagaya ng nakasayan Napabayaan
Ano kayang pakiramdam sa ibang planeta Ano kayang eksena?.
O dun sa panahon ni adan at eba. Bukod sa ahas. Ano kayang problema?
Sasama ka ba, kung may pagkakataong makapunta Dun sa ibang planeta parang ang saya
Sasama ka ba, kung pwedeng makapunta dun sa lumang panahon Ano tara?
Sayo lang sasama, sa hirap at ginahawa Mag bago man ikot ng mundo
Basta tayo'y magkasama Hindi na alintana Ang panahon na magulo
Sadyang Ganito na ang mundo Basta ako ikaw lang ang gusto Kahit anong panahon Basta madalaw ka O kahit malayo man handang mag sundo
Yung manlamig ka'y di ko hahayaan Init ng pag mamahalan ay aalagaan
Ayow mabago ang nakasayan Di ka pababayaan
Pero ano kayang eksena sa ibang planeta?
O dun sa panahon ni adan at eba bukod sa ahas ano kayang problema?
ah Basta, hayaan mo na nga Hindi naman yun mahalaga Kesa yung nakaraan pa ang isipin Ang isipin nalang natin ay kinabukasan nating dalawa
Sayo lang sasama, sa hirap at ginahawa Mag bago man ikot ng mundo
Basta tayo'y magkasama Hindi na alintana Ang panahon na magulo
para san mag aalala mapunta sa ibang planeta kung may pabagsak man na kometa! sa mundo! kung iisipin ay mala komedya pero kung totoo yun mas pipiliin kong makatabe pa- rin kita! hanggang sa huling hininga kasi sa akin ay wala ng mas masaya pa!~ kung sa oras natin dalawa walang maaksaya! tutal kwentuhan lang naman! pero palag parin ako kahit magkatotoo pa!
kasi sa tabi mo! merong kapayapaan! utak kong magulong medyo marami na kalaban na pag wala ka'y tila napapabayaan! sa tulong mo naiiwasan wag mo nalang iwanan! kasi kahit ako pa'y imbitahan! ng mga di matukoy na nilalang! maggala sa likuran! ng ulap! dun sa kalawakan! kung wala ka! ay balewala yan lalo't nagnanasang
Sayo lang sasama, sa hirap at ginahawa Mag bago man ikot ng mundo
Basta tayo'y magkasama Hindi na alintana Ang panahon na magulo
Basta ikaw lang ang gusto Bakit pa ko pupunta sa ibang planeta masaya na ko sayong mundo