Lyrics: Jonel Navarro
Music: Jonel Navarro
1st Verse:
Gigising ng umaga para magtrabaho
Diko kinahiyang ako ay basusero
Nilakasan ko ang luob ligawan nung nireto
Ka sakin ng mga kaybigan kahit di pareho
Tayo ng istado ang buhay sakin balewala
Nung sinagot mo rin ako labis pagkatuwa
Nagbunga ang lahat tayo'y nagkaanak
Simabahan ang naging saksi tayo'y magkabiyak
At lumipas ang ilang taon nagbago ang tingin
Isa na lamang pangkaraniwan na bituin
May nakilala kang mayaman lahat ay pinatikim
Mamahaling mga gamit na diko kayang bilhin
Pag-iibigan natin ay binalot ng dilim
At binali ang sumpaan na ganon lang kadaling
Magpasya para sayo paano na ating sumpling
Maawa ka naman bumalik ka na Mylene
Chorus:
Ipag papalit mo lang ba lahat ng meron tayo para sa pansarili mong kapakanan
Nangakong mag sasama sa hirap at ginhawa tinalikuran mo lang sa ganong dahilan
Diko man kayang maibigay sayo lahat
Aminadong hindi pa sapat
Hindi naman habang buhay na ganito lang ako
Pag nangyari yun wala ka nang babalikan
2nd Verse:
Sana maaga mong sinabi na ikaw ay susuko
Ng sa ganon ang luha di inipon para di tutulo
Niyakap ang pag asa na akalang hindi bibitaw
Maayos naman tayo bakit ka umayaw
Paano na lahat ganon lang kadali
Iniwanan ang lahat porke hindi ko mabili
Yung mga luho mo sobra sa hapdi
Pinagpalit sa may tsikot puta malandi
French fries , MILKTEA yan ang dahilan
Kung bakit wala ka na sakin tang ina yan
Pasensya na kung turo turo lang maibigay
At sa twing namamasyal sa jeep ka lang maisakay
Yayaman din ako maghintay hintay kalang
At pag nangyari yun may pakyung isang daan
Iiwanan na kita kasalanan mo lahat
Natauhan na ako sayong pagiging huwad
Chorus:
Ipag papalit mo lang ba lahat ng meron tayo para sa pansarili mong kapakanan
Nangakong mag sasama sa hirap at ginhawa tinalikuran mo lang sa ganong dahilan
Diko man kayang maibigay sayo lahat
Aminadong hindi pa sapat
Hindi naman habang buhay na ganito lang ako
Pag nangyari yun wala ka nang babalikan
3rd Verse:
Lumipas ang ilang taon hindi na tayo nagkita
Merong nakapagsabing lumuwas ka ng maynila
Ngunit diko na rin binalak pang ikaw hanapin
Naging aral nalang lahat ng ginawa mo sakin
Kung kaya't pinagtuunan ko nalang ang mag sipag
At naging inspirasyon ko ang ating mga anak
Namasukan ako sa isang pagawaan ng auto
Una'y tagalinis lang hanggang unti unting natuto
Na rin akong mag ayos dumami ang kaalaman
Mga grasa sa kamay ko ang syang nag silbing daan
Yung sinabi kong yayaman din ako ay nag dilang anghel
Ngayon nakapagpatayo nako ng sariling talyer
Dumami na rin ang mga kotse ko sa garahe
Di na ako yung dating sa jeep lang namamasahe
Ngayon ay malambot na higaan na yung dating banig
Hanggang sa diko inasahan ang muli mong pag balik
Hinihiling mo na ikaw ay patawarin ko
At sinabi mong kung pwedeng ayusin pa naten to
Diko alam kung saan ka humugot ng kapal mukha
Para sabihin mo sa akin na ako'y mahal mo pa
Ngayon babalik ka na para bang walang nagyari
Matapos mo kaming pagpalit sa ibang lalaki
Lalaking iniwan mo din matapos mong malaman
Ang katotohanang di pala sya tunay na mayaman
Niloko at ginago at pinasakay ka lang
Tulad ng pagpapasakay sayo sa kotse nyang hiram
Di nag laon ang pakikitungo nya sayo ay nag iba
Ginawa kang katulong ng labandera nyang ina
Ngayon mag dusa ka dahil yan ang gusto mo
Di na kita papapasukin sa bagong mundo ko
Sapat nang dahil sa pera ay nagawa mokong limutin
Patawad pero di mo na ako kayang bilugin
Chorus 2x:
Ipag papalit mo lang ba lahat ng meron tayo para sa pansarili mong kapakanan
Nangakong mag sasama sa hirap at ginhawa tinalikuran mo lang sa ganong dahilan
Diko man kayang maibigay sayo lahat
Aminadong hindi pa sapat
Hindi naman habang buhay na ganito lang ako
Pag nangyari yun wala ka nang babalikan