Kwento

Lyrics: Mia Grace Buencamino Music: Mia Grace Buencamino/John Carlo Asuncion/Archie Ocampo/Robert Andrew Javier/Geoffe Zartiga Pinipilit kong pulutin Ang nabasag na damdamin Kahit na nagdurugo Ang aking mga daliri
Meron nga bang hahanapin Kahit na ang pahina Ay nalipat na At natapos na
Ang kwento Gusto pang ipagpatuloy Ang kwento nating dalawa
Natatanaw ka Sa aking bukas Kelan ba ito lilipas Sumasabay pa Ang ating kahapon na Hindi mawala-wala
Ang istorya ng iyong ngiti Madalas ay inuulit At hindi makukubli Nabakas saking isipan
Ang kwento Gusto sana pang baguhin Ang kwento nating dalawa
Natatanaw ka Sa aking bukas Kelan ba ito lilipas Sumasabay pa Ang ating kahapon na Hindi mawala-wala
Sumasabay pa ang kahapon na di mawala-wala
Natatanaw ka Sa aking bukas Kelan ba ito lilipas Sumasabay pa Ang ating kahapon na Hindi mawala-wala Hindi mawala-wala Haaa oooooo Hindi mawala-wala
Pinipilit kong silipin Panahon at pahina Mga kwento na Naroon ka