Lyrics: Ryan Urbino
Music: Ryan Urbino
Matagal na ring di tayo nagkausap
Matagal na din di tayo nagtagpo
Nalimutan nang hustong iyong alalaala
Bakit ba nagbabalik ngayon
Matagal na din kitang tinalikuran
Di naman kasi kita makasundo
Nalimutan ng hustong iyong pangalan
Di naman kasi kita kailangan
Aanhin kong yong mga kahapon
Kung wala ka na ngayon
Aanhin kong langit na pangako
Kung sa buhay kong itoβy para narin na sa impyerno
Ginawa ko nang lahat ng makakaya
Di pa rin maintindihan
Sinong nilalang gustong maiwan
Nagiisa magpakailan pa man
Aanhin kong yong mga kahapon
kung wala ka na ngayon
Aanhin kong langit na pangako
kung sa buhay kong itoβy para narin na sa impyerno
Aanhin kong iyong mga sinulat
di narin sinusunod
Aanhin kong larawan moβt rebulto
patunayan mo sa akin na ikaβy totoo
Nasan ka na ngayon?
Bakit di ka magpakita?
Nasan ka na ngayon?
Nasan nang iyong mga salita
ngayon kinain mo na ba
lahat ngayon o itoβy nilimot na?