DIDAPAT

Lyrics: Airon Paul P. Bayani Music: Airon Paul P. Bayani/Jason Yap Rodriguez Samantalahin ang pagkakataon Huwag kang makampante di dapat ganon Samantalahin ang pagkakataon Baka bukas wala na yon
Samantalahin ang pagkakataon Huwag kang makampante di dapat ganon Samantalahin ang pagkakataon Baka bukas wala na yon
Hindi mo ko Makikita na manghina Sanay ako Sa ugaling pambihira
Hindi mo ko masisira (basta basta) Di ako bumibitaw ng (basta basta) Kitang kita sa galaw parang (batang mastah) Nanatili na uhaw sa pagsulat ng talata
Lamak ang nagsasabi na hindi ka matindi Sakit sa ulo parang yung kanin may alige Di maamin na nahuli ko ang kiliti Hinahanap hanap parang buntis na naglihi
Bara bara ba ang bara dun ka nagkamali Mama pakipara nalang po dyan sa tabi Bababa na yung taong sa una lang magaling Akala niya kasi lahat ng ito ay madali
Oh diba nakita mong Di lang dahil sa kita Ako nagpapakita Kasi may ipapakita na iba
Oh diba kakaiba Ang binibida Bida bida ka kung Nagpapaka kontrabida ka
Alam kong nasasabik Ka rin na makapanik Kaya tumotoma ng sagad Hanggang pati sa pwet ng baso ay humahalik
At sumasambit ng nakapikit parang nagdarasal pero totoo ay Nananaginip kang gising kaya napapraning Imbis sa pangarap ka magpakalasing ginawa mong dahilan para
Samantalahin ang pagkakataon Huwag kang makampante di dapat ganon Samantalahin ang pagkakataon Baka bukas wala na yon
Samantalahin ang pagkakataon Huwag kang makampante di dapat ganon Samantalahin ang pagkakataon Baka bukas wala na yon
Naubos ang kompyansa Nasira ang diskarte Napag-iwanan na Ang dating pambatong hinete
Ng mga dating kasabayan at ng Mga kadete Dahil sa pagkakamali na Maging kampante
Ang paligid ko’y tumamlay nung mga panahon Na ako’y nadapa Naghanap ako ng pwedeng paghugutan Makasulat uli ng mga kataga
Kaya aking nilabas ang lakas Magmula sa loob ng aking mga dating kahinaan Ituloy ang mga palabas Sa loob ng ilang taon kong iniwanan
Di ako bumitaw Sa halip naghanap ako san pwedeng makalapit Kahit na malayo sa lahat ng rap Sa puso ko ay nanatiling nakakapit
Bakit pa ko aayaw? Kung kaya ko na makabangon magmula sa pagkahimbing Gisingin ang dugo ng makata sa ugat At balikan ang minsan kong narating
Di pwedeng mapigilan na tumakbo Ng isip ko kahit ng mga rehas Sa silid na gawa sa mga bakal Habang nakabantay ako sa oras
Oras na mapagtanto Na walang dahilan para huminto Dahil ang tagumpay ay nagaantay Paglabas ko muli ng pinto let’s go!