Lyrics: Aristole Pollisco/Airon Paul Bayani/Raymart Profugo/Kevin Dela Cruz/Regie Valdez Music: Aristole Pollisco/Airon Paul Bayani/Raymart Profugo/Kevin Dela Cruz/Regie Valdez Madami ang di madali dito samin Ngalay na sa kakaabot ng alanganin Sanay man sa kakasilat ay madasalin Malalaman mo na pag napadaan ka
Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang hadlang sarang pinto Malalaman mo na pag napadaan ka Halika
Sa lupain, kung san ba tinubuan ng husay gumaling Nakipag balagbagan ng sungay tumalim Nilagyan ng kulay ang mga tula’t hinaing Kaya mulat dumating Salamat kay nanay gumana ang pakay, mga umalalay humanap ng palay, kaya ako naririto Buhay na inalay inaral nag sanay umasa na sana’y pangarap maakay, ipinangakong di uuwing bigo
Hindi kumaliwa, nakaipon ng tubig kahit na butas na ang timba Mga luha’t pawis na ni minsa’y di ko ininda Lukot na papel panulat na naubos ang tinta Panahon ang nag dikta Tubong tanay, na kung sansan napadako Patuloy sumasabay kahit sa luma o bago Ako yung panday na pandayo Sakay ng kabayo Pag nag sunog ng kilay di mo pagkakamalang tao
Estudyanteng pumasok kahit na sarado Malinaw ang mata kahit na ang taas ng grado Payaso ang plaka pero pag nag ayos Plakado Kilalang Kwela sa eskwela pero laging Eskwalado Ganado palagi, madapa oh magapi, matalo masawi Ano man ang kapalit, handa kong magbawi, babangon pabalik Ano mang dagok pag tinaya mo pati pato madali
Daan ay tila nag yelo, dumulas man ang sasakyang minamaneho hinding hindi magpepreno Dibdib hindi na dinaga nung mahainan ng keso Ako ay susugal hanggang magapi ang bangkero Tayo’y di magkapareho Kung nakabase ka sa malakihan na premyo Salaping nakaselyo Sakin ang pinaka sentro Syento pursyento, ako ay nakatodo palagi Hanggang maging bida sa kwento
Madami ang di madali dito samin Ngalay na sa kakaabot ng alanganin Sanay man sa kakasilat ay madasalin Malalaman mo na pag napadaan ka
Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang hadlang sarang pinto Malalaman mo na pag napadaan ka Halika
Dito sa eskinita na madilim Bakas sa balat ng tao ang kalagayang malagim patunay Itim na kulay, lumalabong paningin sa gutom ay magdidilim kapag lumaktaw ka ng hanap buhay
Isang kahig isang tuka kakain pag tumabo pag na blanko tulala balewala ang mga trabaho mahirap man kinakaya pa lalo kapag wala kang mailagay sa plato panigurado kalam ng sikmura makakabangga mo
wala kang karapatan na mag reklamo kung ano lamang ang nakayanan yun lang ang laman ng bandehado tandaan mo na kapag ipinanganak kang argabayado antimano kabilang talampamkan moy nakaapak na sa kuta ng mga diablo
obligado kang gawin ang mga bagay na di mo naman gustong gawin kapalit ng kapirasong salapi buhay pagod oras sandali pati ang panahon mong nalalabi masasaid sa kakahanap mo ng pantawid
sa patintero ni kamatayan tanging ka duelo mo'y kalagayan balik sa pwesto kung mataya man hanapng tyempo sagad ang bwelo hanggang makawala ka sa palad ng impyerno
dito sa amin mahirap pero laging kinakaya bibihira ang mga nakahilata araw araw na gumagalaw punong puno ng pag asa na balang araw matamasa, ang buhay na masagana't makahiga sa malambot na kama
basta kayumanggi ang balat asahan mong buntot ay hindi bahag nakangiting papalag kilalang matibay at matatag kaya kahit na ano pa yan ay kakayanin lahat
walang wala na pero makikita mo pa din na tumatawa salat man sa kayaman, pero mayaman at masagana sa pag ibig at pagmamahal at yun ang mga wala sa ibang bayan na gustong bulababugin angkinin sakupin ang perlas ng SILANGANAN
Madami ang di madali dito samin Ngalay na sa kakaabot ng alanganin Sanay man sa kakasilat ay madasalin Malalaman mo na pag napadaan ka
Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang hadlang sarang pinto Malalaman mo na pag napadaan ka Halika
Klima na mainit so hot, hot Presyo ng bilihin goes up, up Polusyon luzon to mindanao (ah, aw) Talaga namang ika’y mangangayaw (yaw, yaw)
Yun ay kung di ka sanay, dito sa pinas Bawal magreklamo kung di ka madiskarte Lahat panabay, bulag pipi pilay Bata o matanda nagkalat at laman ng kalye
Mga tindahan sa tabi-tabi, literal tabi-tabi Pero magkakabati Mga lenggwahe na iba-iba, oo magkakaiba Pero sa pagmamahal tiba tiba
Diba diba kakaiba kapag sinabing pinoy Bida bida sa paningin ng mga naa-annoy Hindi na namin kasalanan kung di ka makajoin Pakara ba? O baka naman
Natural na samin na maging masaya (uh uh) Kita mo yan sa aming mata (uh uh) May pagmamahal sa ginagawa (uh uh) Bawal dito ang mahiya mahiya (uh uh)
Mapakanta, sayaw, rap, tula, pagkain, lugar Magaganda na tanawin At higit sa lahat ang mga bayani Tanging natira ay ang sugo ng rap, ako yon (hero)
Pumukol ng pumukol na parang sira-ulo Mayrong sariling pakulo kada baba ng pulo Kahit na magkabukol kakasubok Magkasubukan man ay asahan mong subok na to hanggang sa dulo
Pinong pino ang katas kapag may pilipino Malabong mapaatras yan ng kung sino-sino ‘Pag usapan ay pinas lahat ay imbitado Areglado, sigurado gigiba ng entablado
Madami ang di madali dito samin Ngalay na sa kakaabot ng alanganin Sanay man sa kakasilat ay madasalin Malalaman mo na pag napadaan ka
Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang hadlang sarang pinto Malalaman mo na pag napadaan ka Halika
Sa mundong pag masaya ka ang pagod di alintana May kalakip man na pighati at drama May kalasag ng tinitingala O baluti ng tala. Kaya kahit na anong pang aapi Di makakapinsala. Sampung ulit Nadapa o higit pa yata Ngunit di nadala makulit na bata
Hanggang nakakaramdam ng kaligayahan, maglalaro ng Paulit ulit tatakbo sa kalsada
HaHabulin kung sino ako sa aking panaginip. Matulin man o mailap basta laging bibirit.
ng hindi nagmamadali o hindi pinipilit. Na parang isang motoristang hindi sumisingit.
Di mananaig ang galit Kahit Maaring mapatid Walang malaking balakid . Sa taong merong dambuhalang pangarap. Sa taas lang ang kapit Minsan mangangawit Kung bibitaw kay alalahanin lang kung bakit ba humawak.
Yumakap, o unang lumakad, sa daang tinahak, hinamak lahat, kasi nga pinaglaban mo. Sa matigas mong bungo tinarak. yung banat na ikaw ay karapatdapat. Mga tinaga mo sa bato ay pag hugutan mo
pag namamalat sa kalagitnaan ng pagtatanghal ang mahal sa buhay ang nagsisilbi kong tubig At taga angat ng enerhiya pag pinanghihinaan, kaya mas tumatagal Sa napiling kong tungkulin
Una palang di na nagdalawang isip sa hinakbangan Nung tumagal mas pinanindigan Parang pinakasalan Na Minamahal na kasintahan, Di na pinakawalan, inalagaan, sinipagan, sinamahan ng dasal. Ang pag kapit ay mas lalo ko lang na hinigpitan parang pakanan kong pinihit ang turnilyo Ideyang nag uumapaw o laging puno, na parang tubig sa timba kapag laging nakabukas ang gripo. Kasi nga...
Madami ang di madali dito samin Ngalay na sa kakaabot ng alanganin Sanay man sa kakasilat ay madasalin Malalaman mo na pag napadaan ka
Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang hadlang sarang pinto Malalaman mo na pag napadaan ka Halika