Lyrics: Sickreto Espineda/Gianina Camille Del Rosario
Music: Jeralph Sanchez/Julius James de Belen
1st Verse
Pagmamahalang walang makapantay, magdamagang magkayakap ng sabay, 'pagkat sa'king palagay para ikaw ay mapalagay kailangan tayong dalawa'y
magkahawak kamay, habang sa dibdib ko'y nakadantay tapos ang kabilang braso ko'y kumportable ng nakalagay sayong balikat naka-akbay.
Masaya pala talaga tayong dalawa noong minsan ako'y nagbaliktanaw, ngunit! Kabaligtaran sa kasalukuyang nakikita ng aking balintataw
Dahil may, bago ka na ngayong mahal gayon pa man tanggap ko na 'to. Kung dati'y masaya ako sa'yo ngayon masaya na lang ako para sa'yo.
Chorus
Kung tayo man ay magkasalubong sa daan Kaway ka lang kase Ako ay o-o-okay lang (o-o-okay lang) O-o-okay lang tayo At kung makita kitang may kasama nang iba Ngiti ka lang kase Ako ay o-o-okay lang (o-o-okay lang) O-o-okay lang tayong dalawa
2nd verse
Kalungkutan ko'y umaapaw pisngi ko'y bagsak bulalakaw 'pagkat ang ngiti ko ngayon ay hindi na kasing hinog ng Bungang Araw.
Dahil 'di ko maipapangako kapag nagkasalubong tayo sa tabi ay makikipag palitan ng ngiti, mapipilitan lamang ngumiti na para bang nabibigatan ang aking pisngi.
Baka nga 'pag kayo'y aking nakita magmistula kong kandilang matutunaw at ikaw ang sumindi. Kaya mas mabuti na lang maikubli o magkunwari na wala 'kompake
Dahil may, bago kana ngayong mahal gayon paman tanggap ko na 'to. Kung dati'y masaya ako sa'yo ngayon masaya na lang ako para sa'yo.
Chorus
Kung tayo man ay magkasalubong sa daan Kaway ka lang kase Ako ay o-o-okay lang (o-o-okay lang) O-o-okay lang tayo At kung makita kitang may kasama nang iba Ngiti ka lang kase Ako ay o-o-okay lang (o-o-okay lang) O-o-okay lang tayong dalawa
3rd verse
Mabulaklak na kahapon ay ngayon ay nalanta na at ang dahong natitira'y natuyo 'pagkat maghapong nabilad sa araw, sigla ay naglaho.
'pagkat hindi na nadidiligan ng pagmamahal at animo'y lumamig narin ang sabaw sa sobrang tagal kong makalimot.
Ikaw ang sinisigaw ng puso ko aba'y napakalabo. Tapos bulong naman ng kunsensya ko'y anya'y wala ng tayo dahil may bago kana't tiklop tuhod kong tatanggapin ito. Ang importante sa'kin maging masaya ka lang magiging masaya narin ako para sayo.