Lyrics: Rina L. Mercado Music: Rina L. Mercado Ikaw ang dating kasama sa Mga masasakit o magandang alaala
Bakit biglang nagbago, may mali ba Bakit dilim ang saki’y pinakita?
Hindi naman ako (Hindi naman ako) Nagkulang sa iyo (Nagkulang sa iyo)
Bakit mo naman ginanito Ang minsa’y nagmahal Bakit ba naman Tiwala ay binali At ako’y ‘yong sinaktan
Tunay ka ba magmula pa no’ng simula O sadyang
Sadya ngang sinungaling ka
Naging karamay at kasama mo (Naging karamay mo ako) Nanatiling lihim ang iyong mga kinuwento (Iningatan ang kinuwento mo) Ngunit isang iglap, ang nakalipas (Nagtataka kung bakit ba) Na pagkakaibigan ay kumupas (Biglang kumupas)
Bakit mo naman ginanito Ang minsa’y nagmahal Bakit ba naman Tiwala ay binali At ako’y ‘yong sinaktan Tunay ka ba magmula pa no’ng simula O sadyang Sadya ngang sinungaling…. ka