Kapalit

Lyrics: Julius James de Belen Music: Julius James de Belen Wag mo na sanang isipin na ako ay nalinlang Nag-iiba ang ihip ng hangin, minsa'y nalilibang Sino nga ba ako para magsabi kung alin ang tama sa hindi Alam ko, na pareho lang tayo nagkamali
Wag kang mag-alala sinta Hindi naman natin ito sinasadya
Kalimutan na lang natin ang mga nangyari Hindi naman natin mababawi Kung isang libiong tulog naman ang kapalit Magpupuyat malaman lang na masaya ka sa 'king kapalit
(Kahit sino pa man) Sana'y madaig ng mawala ang 'yong daing (Kahit sino pa yan) Pagluha'y mapawi nang 'yong ngiti ay magbalik
Wag kang mag-alala sinta Hindi naman natin ito sinasadya Magpakailanman, nasa puso ko, ang ala-ala mo habambuhay titibok Sa paglisan mo, ang damdamin ko Hindi na makakasilat ng sinag ng iyong pagmamahal
Paalam sayo, itong puso ko'y bigo, iniwan na, nag-iisa, ang buhay ko'y lubog sa pagdurusa Hindi na makakapiling pa. Hindi na, wala na, Sinta, paaalam sa iyo.