G Wolf

Lyrics: Archie Dela Cruz Music: Archie Dela Cruz Alam ko na isa 'to sa na miss niyo 'Yong ako'y magpaka beast pero at least Lagi pa ring nasa list Kahit walang ni release 'yong mga diss Buti na lang natiis ko kahit nakakainis Sa unli pa lang ay panis na Wala 'kong kailangan i please Ako lang 'yong 'di lumusog Pero 'yong sulat busog 'Yong beat ay palaging sunog 'Di na sumusulat nang hindi magkakatunog 'Di pa ba kayo nakatunog? Sa'kin lang kayo makakanood Na 'yong tiyamba magkakasunod Kaya halatadong tulog pa 'yong taong Nagsabi sa aking 'di pa 'ko hubog Tapos sila mga lyrics may kasamang kulog Mga ugok magkakasabay na bulok 'Di kami 'yong dahilan kung bakit 'di na kayo patok Sadyang 'di na pasok dito 'yong mga tira pasok Napakadami kong naalog Simula no'ng nakita nila 'ko tumula nang padabog Lahat sila sa'kin pasugod Totoo pala ang inggit ay hindi na kayang magamot Ako lagi tampok ng mga tunog hambog Laging may nag aamok Kahit na wala 'kong inalok may sumasagot Hoy, ano ba naman ambot Parang sa buwan sumuntok Mga pumutok pero sa pangalan namin naka buntot Mga kumurot no'ng lumagabog Ang mga tunog na akala nila kabuteng sumulpot Malamang sa malamang ay mauna pa din sila mauntog Bago pa makarating sa tuktok, sira tuktok Panahon niyo na maudlot kasi kami na ang taga tuldok Oh, sige, namnamin niyo lang pero pagtagal Malalaman niyo rin ang sumatotal Kung gusto niyong mapansin, sige lang Pero tandaang magkaiba ang nauso lang sa popular Hoy, 'di to madali, boy Huwag niyo nga 'kong kinekengkoy 'Di ko na rin kayo kalebel, oy Malaki na ang kaibahan Kahit magtanong ka pa sa iba diyan Basta may alam, alam niya na 'yan Diyos ko naman 'pag 'di pa inamin ewan ko na lang Oh, sige, eto pa baka bitin ka pa sa mga naririnig mo ngayon Ito 'yong tipo na isang beses mo lang maririnig sa'kin kada taon 'Di 'to para sa palakpakan gusto ko lang ipangalandakan Na hindi lang ako pang kalmahan na kantahan, 'yon ang 'di niyo nalaman 'Yon lang ang ginawa kong hakbangan hanggang sa nagka pangalan Habang 'yong ibang kunwaring nababawan Ginawa akong hagdanan ang daming nakulangan, nahinaan Kailangan ko pa yatang pakitaan kaso nga lang, 'di na bale Baka sa'kin pa madaming mayabangan 'Di mahulaan 'yong tugma 'Di lang sa dulo may suntok Pati sa gitna mula umpisa may pinupunto 'to Magaling na sana sila kung 'di natuto 'to Dahilan ba't nawalan ng papel 'yong iba at 'yon ang totoo 'Di ko na din kasalanan kung ayaw ko na magpaawat Dere deretso ang lakad patunay na mga paa'y sa lapag naka tapak Banat nang banat hanggang matupad lahat ng mga balak mapa sa kamay Ang hindi ko pa hawak hanggang sa lumawak kasi nga gano'n naman talaga dapat Sa dami nang pinakalat ay bakit ang dami pa ring nasasabi na lait? Kung kami palagi ang hinahanap ng marami at sa'min sila lumalapit Kung kami palagi ang topic ng mga tao na sa awit namin ay naadik 'Di ka na dapat nagagalit kung 'di mo gustong makisabit Oh, gusto niyo ng flex, sige, ito pa 'yong next Tignan niyo na lang kung sino 'yong naka abante Kita naman kung sino 'yong naka diyamante Daming nag kalat sa kalyeng feeling higante Pero kapag umatake mas mabango pa 'yong tae ng elepante Akala ko ba magaling, bakit nandiyan pa rin? Tignan niyo na lang kami layo na ng narating Mula no'ng kami'y dumating Lahat sila ay naging katawa tawa na sa scene Nakita kasing iba 'yong nag mamagaling sa tunay na magagaling