Umuwi Na Tayo

Lyrics: John Roa Music: John Roa ‘Di pa rin ako sanay Na matulog nang ‘di ka sa ‘kin nakadantay O kumain nang hindi ikaw ang kasabay O ‘pag kumukulit ay lagi mong sinasaway
‘Di pa rin ako sanay Na umuwi sa ‘tin nang wala sa ‘king nag-aantay O manalangin nang hindi hawak ang ‘yong kamay Dahil kung wala ka buhay ay walang saysay Kaya pwede bang
Umuwi na tayo Pakiusap pwedeng Umuwi na tayo ‘Di bale na ‘kong mag-isa Kung ‘di lang din ikaw ‘wag na Aantayin kita hanggang sa umuwi ka Mahal pwede ba
Kausapin mo naman ako ‘Di ako sanay nang ‘di ka nakibo Kahit konti man lang maramdaman ko lang Na andito ka pa rin
Hindi ko magawang masanay Sa buhay na ‘di ikaw ang karamay Kaya’t hanggang sa huli Mananatili lang ako dito Mahal pwede bang
Umuwi na tayo Pakiusap pwedeng Umuwi na tayo ‘Di bale na ‘kong mag-isa Kung ‘di lang din ikaw ‘wag na Aantayin kita hanggang sa umuwi ka Mahal pwede ba
Umuwi na tayo Pakiusap pwedeng Umuwi na tayo ‘Di bale na ‘kong mag-isa Kung ‘di lang din ikaw ‘wag na Aantayin kita hanggang sa umuwi ka Mahal pwede ba
Umuwi na tayo Pakiusap umuwi na tayo Kulang ako kung wala ka Kung pwede lang naman sana
Umuwi na tayo Pakiusap umuwi na tayo ‘Di baleng mag-isa Kung ‘di lang din ikaw ‘wag na Aantayin kita hanggang sa umuwi ka