Music: Jayson Fernandez Christodoulou
sumubok mag lakbay ng patalikod
nag lalakad ng nakaluhod
hindi na malaman ang direksyon
sinusukat ang lalim ng balon
hindi na ako marunong tumakbo
puno na ng sugat ang puso ko
kailan ba matatapos ito
nasaan na ang liwanag mo
kailan ba bubukas ang langit sa buhay ko
dumudulas na ang kapit sa braso mo
isang daan dangkal ang lalim ko
sa mga sugat na iniwan mo
ano ba ang konsepto ng saya?
parang sarili ko ay hindi na kilala
andaming daan andaming hagdan
wala namang tamang pupuntahan
hindi na ako marunong tumakbo
puno na ng sugat ang puso ko
kailan ba matatapos ito
nasaan na ang liwanag mo
kailan ba bubukas ang langit sa buhay ko
dumudulas na ang kapit sa braso mo
isang daan dangkal ang lalim ko
sa mga sugat na iniwan mo
alam ko pakpak ko ay bubukas
lilipad walang wakas
ako lang wala nang aangkas
kailan ba bubukas ang langit sa buhay ko
dumudulas na ang kapit sa braso mo
isang daan dangkal ang lalim ko
sa mga sugat na iniwan mo
kailan ba bubukas ang langit sa buhay ko
dumudulas na ang kapit sa braso mo
isang daan dangkal ang lalim ko
sa mga sugat na iniwan mo