Music: Vincent A. De Jesus
Hindi ko 'to binalak
Wala sa plano ko
Pero maya't maya'y nandito ka sa piling ko
Halos araw-araw
Gabi, tanghali, umaga
Parati kang kasama
Parang kilalang kilala mo 'ko
Di ako magaling magtago
At nakita mo
At nakita mo
Malinaw na malinaw
Na mukhang mayroon na nga
Kung di ko 'to pinangarap
Bakit siraulong umaasa?
Nagparamdam ka ba?
Mukhang tama naman ako ng basa
Halos araw-araw
Gabi, tanghali, umaga
Parati kang kasama
Parang kilalang kilala mo 'ko
Madali akong mahulog
At hinayaan mo
At hinayaan ko
Malinaw na malinaw
Na mukhang mayroon na nga
Kung di ko 'to pinangarap
Bakit siraulong umaasa?
Nagparamdam ka ba?
Mukhang tama naman ako
Mukhang tama naman ako ng basa