Guro

Lyrics: Jennelyn P. Cuales Music: Jennelyn Cuales Una pa lang na nakita kita Ako ay sobrang masayang masaya Kahit na nung unang kilala ko sayo Ay sobrang masungit ka pala
Ngayon alam kong nagbago na Ngayon ko masasabi na Nakilala na kita
Ang isang tulad mo pala Ay sobrang kakaiba At sobrang bait pala
Sana sa araw araw na ako'y kapiling Ang tanging hiling ko'y wag limutin Ang tulad ko na minsa'y nagpa saya sayo
Kahit na sobrang pasaway ako Hindi mo isinantabi ang tulad ko Salamat sa turo mo at sa mga tulong mo
At lagi kong dinadasal kung nasan ka Na sana ay Maayos at mas masaya Sa buhay na nagbago na Sana'y palaging mag ingat ka
Hindi ko makakalimutan ang isang tulad mo Na minsa'y nagbigay saya sa buhay ko Salamat sa paboritong guro ko
Sana sa pagtapos ng awit ko Hindi mo malimot ang kantang ito Nag ginawa ko para sayo Sana ay magustuhan mo
Simple ang salita ng sulat ko Na galing sa puso at isip ko Sana magustuhan ang awit kong alay sayo Salamat