KKNY (Kailangan Ko Na Yata)

Lyrics: Ramiru Mataro Music: Geca Morales/Ramiru Mataro KKNY (KAILANGAN KO NA YATA)
REFRAIN: Masyado na yata akong malaya Na parang sobrang pasaway na bata 'di na mabuti ito Walang saysay sa mundo Parang hindi na 'ko tao
VERSE 1: Kailangan ko na yata magmahal Para may sasaway na sakin Para palaging may maglalambing Kahit langit ay makulimlim
VERSE 2: Kailangan ko na yata magmahal Para kumpleto na ang buhay Kahit minsa'y may pag-aaway Ngunit mahal mo rin ng tunay
PRE-REFRAIN: Sa sobrang abala O, 'di na nakita pa At para bang nasanay na Ngunit ang hirap hirap pala
REFRAIN: Masyado na yata akong malaya Na parang sobrang pasaway na bata 'di na mabuti ito Walang saysay sa mundo Parang hindi na 'ko tao
VERSE 3: Kailangan ko na yata magmahal Paramay kasabay na sa umaga Timplang kape, upo sa mesa Kahit usapa'y walang kwenta
VERSE 4: Kailangan ko na yata magmahal Baka ma-dedo na 'ko bukas O saksakin ng adik sa labas At 'di manlang makaranas
PRE-REFRAIN: Mahirap maghanap Sa milyong nasa harap Siguro nga 'pag nalasap Ay abot langit ang sarap
REFRAIN: Masyado na yata akong malaya Na parang sobrang pasaway na bata 'di na mabuti ito Walang saysay sa mundo Parang hindi na 'ko tao Kailangan ko na yata
RAP: Kailangan ko na yata, tingin ko lang ay tama Tama na sumubok umibig ng malaya Sige, aminado na natakot Masaktan at gumuho at lumuha't mapaikot Pero, ngayon ay sigurado Handa na kong sumubok di man nakaplano San man liparin, wag mo na patagalin Panahon na man na rin na ako ang mahalin
PRE-REFRAIN: Mahirap maghanap Sa milyong nasa harap Siguro nga 'pag nalasap Ay abot langit ang sarap
REFRAIN: Masyado na yata akong malaya Na parang sobrang pasaway na bata 'di na mabuti ito Walang saysay sa mundo Parang hindi na'ko tao Kailangan ko na yata magmahal