Lyrics: Pippen Tan/Cesar Evangelista Buendia
Music: Cesar Evangelista Buendia/Pippen Tan
I.
Nakakasawa na, sa telepono ka lang nakikita
At ang boses mo, nawawala-wala, napuputol pa.
Pre-chorus:
Kinabukasan ‘di tiyak, napa-praning sa kaka-isip
Kung makikita ka pa ba, at mahahawakan pang muli.
Chorus:
Ako ay sabik, sabik na sabik, sa yakap mo't halik.
Pigil na pigil, bitin na bitin pagka't bawal pa rin
Araw-araw lumuluhod sa panalangin
Nawa'y matapos na ang paghihirap natin
Ako'y sabik na sabik...
II.
Hinahanap ng mga labi ko ang mga kutis mo,
Inaasam-asam, na mahaplos muli ang mga palad mo
PreChorus 2:
Kay hirap magmahalan ng
walang yapos at lambing
Kailan kaya maglalapit?
Chorus2:
Ako ay sabik, sabik na sabik, sa yakap mo't halik.
Pigil na pigil, 'di maaari, pagka't bawal pa rin
Araw-araw lumuluhod sa panalangin
Nawa'y matapos na ang paghihirap natin
Pagka’t sabik na sabik ... sa 'yo
Last Chorus:
Ako ay sabik, sabik na sabik, sa yakap mo't halik.
Gigil na gigil, bitin na bitin, pagka't bawal pa rin
Araw-araw lumuluhod sa panalangin
Nawa'y matapos na ang paghihirap natin
Ako'y sabik na sabik... sayo