Panahon

Music: Geca Morales/Ramiru Mataro Lyrics: Geca Morales [Verse 1] Bakit ba natin hinahabol ang hindi para sa atin? At 'yung mga palaging nariyan ay 'di natin napapansin Kapag tayo'y nasasaktan sila agad ating takbuhan Nakikinig lang ngunit ang katotohanan sila ay nasasaktan Palagi tayong nagkukuwento ng ating napupusuan Ang aking pinagtataka kung pa'no nila nakakayanan Kung minsan 'di natin sadya, minsan hindi rin naiisip Na silang nariyan kahit 'lang bala pa 'yan Ay kaya kang pagsanggalang
[Chorus] Kapag ang puso'y tumibok para bang ulat ng panahon Na kanina lang maaraw Biglang sabi babagyo pero 'yun pala'y ambon Kapag ang puso'y tumibok para bang ulat ng panahon Na kanina lang maaraw Biglang sabi babagyo pero 'yun pala'y ambon
[Verse 2] Ang pag-ibig nga naman kahit anong oras dumarating Ngunit ang tunay na kahulugan Ay maraming taon ang aabutin Sino nga ba'ng mag-aakala Kung kailan siya darating At kung minsa'y nasa harap lang pala't Naghihintay lang naman sa sobrang layo ng 'yong tingin 'Di namalayan na
[Chorus] Kapag ang puso'y tumibok para bang ulat ng panahon Na kanina lang maaraw Biglang sabi babagyo pero 'yun pala'y ambon Kapag ang puso'y tumibok para bang ulat ng panahon Na kanina lang maaraw Biglang sabi babagyo pero 'yun pala'y ambon
[Bridge] Ang problema sa atin tayo ay mabilis na mahulog Sa matatamis na mga salitang 'Di naman nila ibig sabihin At ngayo'y nakakatakot Nang maging malapit sa isang tao Dahil lahat ng nagsabing Hindi ka iiwan ay naglaho
[Verse 3] Ang pag-ibig nga naman talaga'y pana-panahon Sino, saan, pa'no, kailan, bukas, kahapon, ngayon 'Di pa masasagot lahat-lahat ng mga tanong 'Di pa malaman-laman kung ito na nga ba iyon Sabi nga nila, malay mo nand'yan na pala Ang taong 'yong pinapangarap na makakasama
[Verse 4] Kung saan-saan pa kasi naghahanap Ayun pala'y nandirito na siya'y nasa harap Alam kong nakakatakot na ito'y simulan Walang makakapagsabi ng patutunguhan Ngunit hindi mo din naman talaga 'to malalaman Kung ang pag-ibig ay 'di mo pa rin susubukan 'Di mo na namamalayan 'pag biglang kumatok sa puso mo Walang makakapigil 'pag tumibok Siguradong ang mundo'y titigil sa pag-ikot Balang araw katanungan ay 'yong masasagot