Beroka

Puso koy nalilito Totoo nga ba ito Pag ika'y kasama Kumikinang ang mga mata ko
Ako'y nababaliw nga ba? Sa kaibigan namumula At sa iyo ay namangha
Sandali Di ko na kaya Puso koy ipalaya Na sa damdaming ito
Pag-ibig ba ito Bat ba nabihag mo Ang puso kong nasisilaw sa ganda mo Hahakbang na ba ako patungo sa iyo? Tayo bay magbabago? Aamin ba ako?
Tuliro Tuliro ang puso ko Pinipilit ang sariling Ikaw lang pinipili O' bakit ba ganto?
Kailan maiintindihang Hanggang tropa lang naman Kung ma boo-booking man Letse bahala na si batman
Bawat tingin Bawat ngiti Hahayaan ba ang sarili Na ako'y kiligin?
Pag-ibig ba ito Bat ba nabihag mo Ang puso kong nasisilaw sa ganda mo Hahakbang nga ba ako patungo sa iyo? Tayo bay magbabago? Aamin ba ako?
Pag-ibig ba ito Bat ba nabihag mo ako? Akoy Nalilito
Pag-ibig ba ito Bat ba nabihag mo Ang puso kong nasisilaw sa ganda mo Hahakbang nga ba ako patungo sa iyo? Tayo bay magbabago? Aamin na ako?