Lyrics: Keril Priola
Music: Keril Priola
Kasi nga
Akala ko masmasaya
Kung iibig ng iba
At sayo makabawi
Tama na, bumabagal ang paligid
'Di sa alak, kundi sa pagsisisi
'Di kaya sayo dapat nang aminin ko
Kung alin
Ang pipiliin ko
Ikaw o ako
Siyang unang mahuhulog
Sa iba yung mananalo?
Paano naging gantong
Klaseng kababawan to
Pagsamo ba'y mapapansin?
Kasi nga
Akala ko mas masaya
Kung iibig ng iba
At sayo makabawi
Bakit kaya
Ako natutulala
Sa alaala na alam kong
'Di ko na mababawi
Ika'y makaramdam dahil
Ako ay nasasaktan
Ika'y makaramdam dahil
Ako ay nasasaktan
Ika'y nasasaktan dahil
Ako ay nagdadamdam
Ika'y nasasaktan dahil
Ako ay nagdadamdam
Sayang lang pala kung
Padalawa-dalawa mamahalin
Nanghihinayang talaga
'Di na dapat tinangkang ito'y gulihin dahil
Ikaw pa rin pipiliin ko
Mangyari nang di ako
Ang iyong uwian pero
Sinasabi mong mahal mo
Paano naging ganto
Pakibalik sa nakaraan to
Kung sa'n wala pang humahati
Kasi nga
Akala ko mas masaya
Kung iibig ng iba
At sayo makabawi
Bakit kaya
Ako natutulala
Sa alaala na alam kong
'Di ko na mababawi
Gugustuhin ko ba talaga kung
Pilit kitang pinapalaya
Susulitin ko na lahat sa
Isang hindi ko pa kilala
Binibining madali na makuha
Panandaliang makakasama
Hindi na alam kung tama pa ba
Kasi nga
Kasi nga
Akala ko mas masaya
Kung iibig ng iba
At sayo makabawi
Bakit kaya
Ako natutulala
Sa alaala na alam kong
'Di ko na mababawi
Ika'y makaramdam dahil
Ako ay nasasaktan
Ika'y makaramdam dahil
Ako ay nasasaktan
Ika'y nasasaktan dahil
Ako ay nagdadamdam
Ika'y nasasaktan dahil
Ako ay nagdadamdam