Lyrics: Ryan Jay U. Jimenez/Marie Elisha S. Rodriguez Music: Ryan Jay U. Jimenez Natatakot ka ba sa mga nangyayari sa paligid? Lunod sa luha at kay bigat ng ‘yong dibdib Ilang buhay na rin ang binawi Buong mundo sa kawala’y nahati Kailan matatapos ang ating pighati?
Huwag mong haayang lasunin ka ng takot Taas-noo harapin natin ang pagsubok Ating sandata sa labang ito Lakas ng loob , ikaw at ako At ang ating sikreto Pananampalataya kakampi natin ang lumikha
Kaya natin to Hindi susuko, ilabas ang tibay ng bawat Pilipino Kaya Natin to lalaban tayo, di palulupig, di padadaig di papatalo kaya natin to ipakita sa Mundo kaya natin to
Subok na tayo higante man ang kalaban lalong tumitibay kahit pa nasasaktan pagmamahal at pagmamalasakit ang ating gamot sa ano mang sakit tadhana may sutil Di tayo pasisiil
Kaya natin to Hindi susuko, ilabas ang tibay ng bawat Pilipino Kaya Natin to lalaban tayo, di palulupig, di padadaig di papatalo kaya natin to ipakita sa Mundo kaya natin to
punuin ng pag-asa ang ating mga Puso mag kapit bisig kahit na magkakalayo Magbayanihan kahit nasaan pa man Itaas sa Dyos anu mang unos At papurihan sya nang Lubos
Kaya nating tumawa sa gitna ng pait Kasangga ang maykapal sa pag puksa ng sakit hindi pasisindak patuloy na pumapalag kahit umiiyak ang puso ay umiindak patuloy na naghahasik ng pag-asa tatapusin ang laban hindi patutumba
and this our message to the universe ignite your fire and lift it up to the source all people in the world let your love disperse faith not fear we're gonna end this curse
Kaya natin to Hindi susuko, ilabas ang tibay ng bawat Pilipino Kaya Natin to lalaban tayo, di palulupig, di padadaig di patatalo
Kaya natin to Hindi susuko, ilabas ang tibay ng bawat Pilipino Kaya Natin to lalaban tayo, di palulupig, di padadaig di patatalo kaya natin to ipakita sa Mundo kaya natin to
dahil Tayo’y Pilipino
(kayang kaya) (Kaya natin to) (kayang kaya) (Kaya natin to) (kayang kaya) (Kaya natin to) (kayang kaya) (Kaya natin to)
KAYA NATIN TO