Lyrics: Ferdinand Aragon
Music: Ferdinand Aragon
ALAB NG PUSO
WORDS AND MUSIC BY FERDINAND ARAGON
Alab ng puso
Sa dibdib ko'y buhay
Hinding-hindi sumusuko
Sa hirap ma't lumbay
Sa mga manlulupig
Hindi pasisiil
Duyan ng magigiting
Hindi pa-aapi
Kabutiha'y batid
Limanda'n mang taon
Ng daluyo't yanig
Tayo'y bumabangon
Iisang puso pa rin
Iisang alab sa dilim
Iba't-iba man ang mga bituin
Sa iisang kalawakan magniningning
Magkahawak-kamay sa lilim ng bughaw na langit
Umaawit
Mabaon man sa putik
Matapos ang bagyo
Lahat magkakapit-bisig
Patuloy na sumusulong
Iisang puso pa rin
Iisang alab sa dilim
Iba't-iba man ang mga bituin
Sa iisang kalawakan magniningning
Magkahawak-kamay sa lilim ng bughaw na langit
Ug magapabiling (at mananatiling)
Dili magpapildi (hindi magpapatalo)
Dungga ning awitong (dinggin ang awiting)
Dili mapahilom (hindi mapapatahimik)
Iisang puso pa rin
Iisang alab sa dilim
Iba't-iba man ang mga bituin
Sa iisang kalawakan magniningning
Magkahawak-kamay sa walang hangganang langit
Umaawit