Lyrics: Rene Reg Rubio II/Steve Badiola Music: Rene Reg Rubio II Di natatapos ang pagluluksa Sa maling bola lang pala pumusta Gustong makalayo, makalaya sa sumpa Ang isang hakbang limang buwan ang amba
Dito ulit dinala Sa sunog na kabanata Storyang pilit na sinara Wala kang bilang sa mga mata ng May pakanang sindihan ang mitsa
Natikman ko na Ang pait ng iyong iniwan Di makahinga Bumangon at gumuho Natuto nako sayo Wala nang kapit ang iyong mundo ayoko na
Tatandaan para makalimutan Natuto nako sayo
Wala ng lakas indahin ang sakit Di makapiglas sa sakal na kay higpit Sabog na mundo ko taas mo pang maningil Di makapaniwala ikaw ang patalim
Inom ako nang inom Todo uhaw ako nun Lason lang pala yun Kay tamis ng patibong Kaya sayo nalulong Naging tapat sa ilusyon
Natikman ko na Ang pait ng iyong iniwan Di makahinga Bumangon at gumuho Natuto nako sayo Wala nang kapit ang iyong mundo ayoko na
Nakatali sa alaala Atras abante Di makausad Urong sulong Di makaahon Hinihila pa rin ng kahapon
Naubos lang ang oras ko Araw araw kong pinupulot Ang basag basag at pira piraso Ng sarili kong wasak sa kamay mo
Natikman ko na Ang pait ng iyong iniwan Di makahinga Bumangon at gumuho Natuto nako sayo Wala nang kapit ang iyong mundo ayoko na
Tatandaan para makalimutan Natuto nako sayo