Lyrics: Rowel Gonzaga Longhas
Music: Rowel Gonzaga Longhas
"Araw-araw kang mamahalin at aalayan ng pagmamahal na di mo pa nadama...
Gabi-gabi kang yayakapin at ibibigay ko sayo ang lahat (ang lahat)
Kahit mahirap ang buhay binibigyang kulay ng mga ngiti mo, naaalalang napaka sarap mabuhay di nalulumbay basta ikaw ang kapiling ko.
(basta Ikaw ang kapiling ko)
Sa umaga palang napupuno mo na ko ng saya, bungad ka sakin ng araw araw wala nang iba.
Walang nag iba ganda ng araw laging ganado, kahit sa trabaho pagpasok malabong mapagod.
Kakayanin lahat natin di man laging masarap ang nakahain panginoon maraming salamat padin.
Di mo po kami pinabayaan, bagkus pinoprotektahan ang aming pagmamahalan.
Kahit mahirap ang buhay binibigyang kulay ng mga ngiti mo, naaalalang napaka sarap mabuhay di nalulumbay basta ikaw ang kapiling ko.
(basta Ikaw ang kapiling ko)
Tandaan mo palagi sa hirap ginhawa nandito ako sa tabi, suporta palagi nandito sa likuran mo talo man o wagi.
Palagi kong papaalala sayo talikuran man tayo ng buong mundo asahan mo lahat ng satin ay di maglalaho. Pangako!
Kahit mahirap ang buhay binibigyang kulay ng mga ngiti mo, naaalalang napaka sarap mabuhay di nalulumbay basta ikaw ang kapiling ko.
(basta Ikaw ang kapiling ko)"