Pamilya (Theme song from the TV series "Team A")

Lyrics: Sean Cedro Music: Sean Cedro Wala nang mas mahalaga Kesa sa pamilya Lahat ay kayang gawin Basta’t sama-sama Umaraw, umulan ay walang iwanan Oh-oh
Minsan ay ‘di maiwasan ang magkatampuhan Lahat dumadaan sa ‘di pagkakaunawaan ‘Wag lang patagalin Ayusin ka’gad natin Alalahanin na pamilya dapat ang unahin
Ang tunay na pagmamahal At siguradong nagtatagal Nandito lang sa ‘ting harapan
Pa-pa-pa pamilya Ito ang tunay Na-a-a-a bida Laging nauuna sa aking puso't isipan Oh-oh-oh
Pa-pa-pa pamilya Kasama dyan si lolo at si lola Pati na rin si ate, kuya, tito at tita Oh hoh
Kapag si taytay ay wala dahil nagtatrabaho At si naynay ay nakatuon sa negosyo Si lolo ang taya Minsan naman si lola ‘Wag lang silang magtatagpo dahil magkakagera
Pero kahit ‘di laging magkasundo (magkasundo) Alam ko na mahal nila si naynay, taytay at ako Oh-oh-oh
Pa-pa-pa pamilya Ito ang tunay Na-a-a-a bida Laging nauuna sa aking puso't isipan Oh-oh-oh
Pa-pa-pa pamilya Kasama dyan si lolo at si lola Pati na rin si ate, kuya, tito at tita Oh-oh-oh
Hindi isang biro ang magtaguyod ng pamilya Dapat laging teamwork dyan si mama at si papa Bawat galaw, bawat hakbang, sa kinabukasan inilaan ‘Di na iniinda ang kahirapan maibigay lang ang pangangailangan
Sapat na ang makita ang mga ngiti sa pag-uwi Ang lahat ng pagod ay tuluyang napapawi Sulit na sulit ang pagsisikap ng mga kamay Dahil pamilya ang kasalo sa bawat tagumpay
Kaya naman laging tatandaan Kahit na anong mangyari Delubyo, o bagyo, ‘wag kang magdadalawang-isip Hindi ka nag-iisa, ‘di mo kailangang solohin Merong masasandalan, you will always have your family Laban
Pa-pa-pa pamilya Ito ang tunay Na-a-a-a bida Laging nauuna sa aking puso't isipan Oh-oh-oh
Pa-pa-pa pamilya Kasama dyan si lolo at si lola Pati na rin si ate, kuya, tito at tita Oh-oh-oh
Pa-pa-pa pamilya Pa-pa-pa pamilya Pa-pa-pa pamilya
Pa-pa-pa Oh-oh-oh