Lipstick Na Itim

Lyrics: Thyro Alfaro Music: Thyro Alfaro Una pa lang iba na’ng dating mo talaga Nauutal ako’t ‘di makasalita Nalulula sa tayog mo Akala lang nila’y malamig kang sadya ‘Di lang nila alam puso mo ay balot sa tuwa Tinatago mo sa likod ng Lipstick na itim oh, ngiti mong kay dilim Kinukubli ang gandang bumihag sa ’kin Sa lipstick na itim mga mata nagniningning Na kahit itago mo’y kumikislap pa rin Sa lipstick na itim Hanggang ngayo’y dumadaplis ka sa isip Maya't maya’y dinadalaw sa panaginip Ng mga labi mong kinulayan ng Lipstick na itim oh, ngiti mong kay dilim Kinukubli ang gandang bumihag sa ’kin Sa lipstick na itim mga mata nagniningning Na kahit itago mo’y kumikislap pa rin Habambuhay yata ‘kong mabibighani Sa mga mala-rosas mong labing Tinatago mo sa likod ng Lipstick na itim oh, ngiti mong kay dilim Kinukubli ang gandang bumihag sa ’kin Sa lipstick na itim mga mata nagniningning Na kahit itago mo’y kumikislap pa rin Sa lipstick na itim