Lyrics: Lester Labayog
Music: Lester Labayog
(E-l-i-o) Pwede pag nakapanhik, araw gabi na manligaw?
Teka nakakasamid, bakit patay ba ang ilaw?
Pawisan na malamig, magsalamin man ay di pa malinaw
parang may nakamasid paghubad ng bilog mong mga hikaw
Mahigpit ang kapit ng kaliwa kong kamay sayong braso
hatak kita sa kanang mabilis habang wala tong kaso
Kaso dapat apat lang ang matang bukas at sara dito sa kwarto
Pero bakit anim yata, may dalawa sa likod mo ang landi mo pang-aso
Parang mali na na mahalina
Pumikit at marinig, ang pagkakaipit sa mga hita
'Di makakita mula kanina kahit pa merong kandila
Baka bulag na ako sa pagkakabuhol ng ating mga dila
Mabilis ang mga pangyayare
Dapat tayo lang walang kasale
Sana makausap pa kita gaya ng date
Na walang ibang gumagalaw sa 'yong marame
Hindi ka na kilala (Dina, Dina)
Nagbago ka pati na ang mga tunog mo
Hindi ka na kilala (Dina, Dina)
Ang labo lang kasi ikaw pa rin ang gusto
Hindi ka na kilala (hindi ka na kilala)
Nagbago ka pati na ang mga tunog mo
Hindi ka na kilala (Dina, Dina, Dina)
Ang labo lang kasi ikaw pa rin ang mundo, hindi ka na..
Lagi kang maganda, banggit ko lagi nang pakanta
Habang kasama kang samantalang dal'wang ilog ka mamangka
Bakit ba di ka maalis sa kalsada? Bakit ba hindi mo na ako mamangha?
Nakalimutan mo na kung sino ka na nga ba kaya ang mga tanong ko ay pananda
Wag kang magtataka kung iba ang 'yong madarama habang tayo'y mata sa mata
Bakit kaba napa sa kanya kahit na di mo alam bigkasin ang pangalan niya?
Mga dyamante kong alay sa dalagang nagtanggal dati ng pangamba
Ay riya ring nagbigay ng kaba para isipin ang pagtingin ko'y walang halaga
Di ko na alam pa'no pa lalaban, ginawa ka niyang libangan sa kasalukuyan na laro
Sa katagalan baka lang mapagsawaan pero okay lang dahil ang katayuan ko sa 'yo ay karangalan
Kahit abutin pa ng mga mura
Napamahal na ako sa nakuha ko sa iyong 'di naman sayang na luha
Ating bagalan, pwede ba na balikan ang ating mga dating tugtugin
Na igagapang pag nakaibabaw lalim ng loob mo ay aking kukunin
Gusto kang pagdamot kahit mali na ang tema, bingi na yata ko suyuin ka
Makabasag man ng tenga ang mga eksena'y inihanda mo 'kong bubugin!
Hindi ka na kilala (Dina, Dina)
Nagbago ka pati na ang mga tunog mo
Hindi ka na kilala (Dina, Dina)
Ang labo lang kasi ikaw pa rin ang gusto
Hindi ka na kilala (hindi ka na kilala)
Nagbago ka pati na ang mga tunog mo
Hindi ka na kilala (Dina, Dina, Dina)
Ang labo lang kasi ikaw pa rin ang mundo, hindi ka na