Lyrics: Reymond Delacruz Music: John Syrone Elesterio/Joshua Mari Miralles/Reymond Delacruz/Ox Smugg Salazar Minsan kung sino pa yung nagdulot ng saket sya pa yung gamot na magbabalik, Salamat dahil pinili mo na sa aken manatili kahit napakalaki ng lamat na ginawad mo sa piling Sa mga panahon pa na hindi ko mahagilap ang sarili sa pagitan ng pagkabigo at pagsisisi Ay muli mong binuo para muli kang makasamang humalili Sa mga pangarap ko na hinagilap at kada paglayag ko sa alon Ay hindi na bagabag dahil sayong yakap ay palaging panatag na bumangon Ikaw lang ang liwanag na saken tumawag para lamang talikuran ang kahapon Na sa aken nagwasak pero muling nag alab ng pagmamahal muna ang syang gumatong Dina papalayain ang pusong nakulong ni wala ng tandang pananong na panugon Sa twina ay nahumaling pumaroon sa pag ibig mo na tila panalo handa kong tumalon Kahit mabasag ako sa pagsalamin mo sa aking mundo Dadamahin ko ang bawat yugto tagos man ang kada saket sa buto Di mo maaaninagan na dumadaing ang puso na ikaw lang ang sinisigaw Ibaon man ng paulit ulit sa saket pag ibig ko lamang sayo ang lagi na lumilitaw Patuloy na kakapit pa kahit may bahid ang imahe mong malapit na sa aking bumitaw Di magugulumihanan akayin ka sa daanan patungo na sa hantungan ng ako't ikaw Humahagod man ang takot sa pinanuot mo na saket Di umabot na pumasok sa kokote sa ibang putahe manabek Dumadagok man ang alon inaanod parin ako sayo pabalik Kaya di ko papayagan mawala pa ang init ng ating pagmamahalan sa taglamig mahal
Ang umasa na ika'y bumalik At ako ay naka handa ng muli Na mahagkan ko na muli ang yong halik Ako'y dina papayag na muli kang mawala pa At hindi na papayag na tayong dalawa'y magkahiwalay pa oh
Diko na pababayaang malayo ka pang muli Kahit pa na palagi ko ng danasin ang hapdi Laging papanghawakan kung sakaling ika'y bumalik Sasamantalahin ko ang init ng pananabik oh Diko hahayaang muli ka pang mawala nilasong man ng isip ng kasalanang nagawa Sana'y tanggapin mo parin itong aking lambing bilang bawi ko sa lahat ng aking mga maling disisyon Dahilan para ikaw ay iwanan nais kong malaman mong pinagsisisihan kona Kaya heto at umaasa dina papayag gusto na muli kitang makasama mahal Pagbigyan mo naman sana oh. Hindi naman siguro masama kase diba
Ang umasa na ika'y bumalik At ako ay naka handa ng muli Na mahagkan ko na muli ang yong halik Ako'y dina papayag na muli kang mawala pa At hindi na papayag na tayong dalawa'y magkahiwalay pa oh
Ako'y dina Hahayaang mawala kapa hmmm
Naghihintay parin sayong pagbabalik Araw araw parin ako na nasasabik Hindi papayag na salarawan lang makita gustong maulit yung dati na tayong dalawa Handang gawin ang lahat para lamang mabawi at mapawi ang lungkot naking nadarama ng labis Sana manatili ka nalang sa akin di ko sasayangin Handa kong lumuhod sayong harapan Subukan mo ang puso ay pakinggan Gusto ko na tayo talaga napapagod ng masaktan ng iba oh
Ang umasa na ika'y bumalik At ako ay naka handa ng muli Na mahagkan ko na muli ang yong halik Ako'y dina papayag na muli kang mawala pa At hindi na papayag na tayong dalawa'y magkahiwalay pa oh