Maging Katulad Mo

Lyrics: Charlie Cenzon SJ Music: Charlie Cenzon SJ Poong Hesus, nawa’y igawad Mo ang hangad ko, biyayang matamo; na luminaw pa, at mag-ibayo, bawat araw, pagkakita ko sa ‘Yo.
Gawing wagas, pagsunod sa ‘Yong mga bakas; gawing wagas, paglingkod sa ‘Yong hanggang wakas; nawa’y ang ibig ko, gawin ang ibig Mo, nang sa kapwa ko, maging katulad Mo.
Poong Hesus, nawa’y itulot Mo ang hiling ko, biyayang matamo: na lumalim pa, at mag-ibayo, bawat araw, pagkilala ko sa ‘Yo.
Gawing wagas, pagsunod sa ‘Yong mga bakas; gawing wagas, pag-lingkod sa ‘Yo hanggang wakas; nawa’y ang ibig ko, gawin ang ibig Mo, nang sa kapwa ko, maging katulad Mo.
Poong Hesus, nawa’y pakinggan Mo, ang dasal ko, biyayang matamo: dumalisay pa, at mag-ibayo, bawat araw, ang pag-ibig ko sa ‘Yo.
Gawing wagas, pagsunod sa ‘Yong mga bakas; gawing wagas pag-lingkod sa ‘Yo hanggang wakas; nawa’y ang ibig ko, gawin ang ibig Mo, nang sa kapwa ko, maging katulad Mo.