Lyrics: Zynder Malban Music: Zynder Malban [CHORUS] Isinantabi ang iba, ako na muna Kausap ang sarili, kasi sabi ko'y kaya ko ring marating ang dati'y imposible Hinahambing pa sa mga paimportante
[Verse 1] Ilang taon ko rin inakyat ang bundok at alam ko sa sarili kong wala pa sa tuktok At sa bawat paglingon pilit na kinakatok ang isip ko na labanan ang anumang dagok
Ng buhay kahit na medyo kakaiba Ang landas na aking pilit tatahakin
Kahit na sumubsob ay pipiliting tumayo para makalakad ng papalayo Hindi dahil sa nahihiya kundi dahil para din 'to sa pangarap ko
Marating ang nais Mabagal man o mabilis Mararating ko pa rin
[CHORUS]
[Verse 2]
At sa bawat paglingon, dun lang namamalayan Malayo na'ng narating, pati na sa paroroonan
Pero 'di yun dahilan para ako'y panghinaan Bagkus tumutulong pa para ako'y lumaban
Ga'no man katarik ang aking aakyatin Hindi naman hadlang sa'king gustong abutin
Marating ang nais Mabagal man o mabilis Mararating ko pa rin
[CHORUS]
[Verse 3]
Nuon ay pinagtatawanan lang at palaging tampulan ng tukso Ngayo'y meron nang kayang ipagyabang pero tahimik lang ako
Paa sa lupa at mata sa langit Kahit na ano pa ang mangyari
Taas ang noo pa rin, aking haharapin anumang batikos Handa 'kong harapin, kahit pasalubong sa akin ang malakas na agos
Marating ang nais Mabagal man o mabilis Mararating ko pa rin
[CHORUS]