Music: Dom Guyot/Jolianne Wala bang diwa ang gabi? Na tayo’y magkatabing tumatawa ng sabay Hawak ko ang iyong kamay At sayo’y nakahimlay Wala bang diwa ang tingin? Ang pagsulyap mong madiin Pinagmasdan ang iyong mukha Kitang kita sa mata Ayaw mokong mawala Oh kaibigan lang ba? Pag may nararamdaman, bat di mo pa sabihin? Pag may konti mang kislap, wag mo namang ilihim Pag ang puso’y may tula, gawin mo nang awitin Pag may konting nadama, ako’y kakapit Bakit hindi mo ba talaga kayang aminin? Aminin O ako lang ba ang mayroon Palihim na pagtingin? Oh hindi na natauhan Hanggang puso’y maubusan Ba’t sinimulan? Ba’t pinadama Kung bibitawan lang pala? Lumalapit tas aalis, anong gustong iparating? Kahit ano pang gagawin, kita naman sa iyong tingin Isang salita, di mo magawa Oh hanggang dito lang ba? Pag may nararamdaman, bat di mo pa sabihin? Pag may konti mang kislap, wag mo namang ilihim Pag ang puso’y may tula, gawin mo nang awitin Pag may konting nadama, ako’y kakapit Bakit hindi mo ba talaga kayang aminin? Aminin O ako lang ba ang mayroong Palihim na pagtingin? Pag ikaw lang magisa, di mo ba iniisip Na ako lang ang gusto mong makapiling Oh kung ang puso ko’y kukunin at sisilipin Malalaman mo na ikaw lang ang hangarin At kung ako naman ang maunang umamin Tatanggapin mo ba ng kusa ang damdamin Pag susubukan natin ang sadyang umibig Araw-araw kitang pipiliin